Is Kris Aquino angry with John Lapus?

John "Sweet" Lapus signed a two-picture non-exclusive contract with Viva Films. Although only one of the two promised movies were produced, Sweet clarifies that he is not mad at Viva.


Pinaliwanag ni John “Sweet” Lapus ang rason kung bakit hindi na siya kinukuhang guest sa Kris TV, ang morning show ng kaibigan niyang si Kris Aquino. Dati naman ay suki siya rito.

Kuwento ni Sweet: “Naku dahil sa pagho-host ko sa Golden Screen TV Awards. Di ba, gusto ng mga taga Enpress na light and fun lang lagi ang awards night nila. Kaya comedian lagi ang host nila. Siyempre super punchline ako sa lahat ng nandoon.

“Nilandi ko si Atom [Araullo], inokray ko sina Uge [Eugene Domingo] at Pokwang. E, na-punchline ko din yung PM [production manager] ng Kris TV at si Darla [Sauler, headwriter] na “buti day off nila kaya sila naka-attend” after they accepted their award.

“Na-hurt daw kasi friend ko nga naman sila bakit ko daw sila inokray? Ayun di muna daw ako igi-guest. Di na ako nag-explain. Nag-sorry ako agad when I found out. Hindi ako ma-I love you pero ma-sorry akong tao. Kaya nag-sorry agad ako.”

Anong sabi ni Kris tungkol dito? “Wala naman daw siyang magagawa kasi yung PM niya ang nag-decide. So parang management decision na yon. Ang importante ang okay kami ni Kris,” sabi pa ni John.

Si John pa rin ang host ng 11th Golden Screen Awards na gaganapin sa October 4, Sabado, sa Teatrino Greenhills.

(To view the nominees for the Golden Screen Awards for Movies, CLICK HERE)

UPCOMING MOVIES. Nag-expire na noong June ang two-picture non-exclusive contract ni John Lapus sa Viva Films. Sa kontrata ay dapat dalawang movies na siya ang lead ang gagawin ni John pero isa lang ang natupad. Ito ay ang Moron 5.2 The Transformation that will be shown on November 5.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sweet kamakailan at ayon sa two-time best comedy actor awardee, hindi naman daw sumama ang loob niya sa Viva Films.

“Nalungkot lang ako kasi nauna pang nabigyan ng movie si Joey Paras kaysa sa anuman dapat project na ibibigay sa akin. To think na dalawang taon ang kontrata ko sa Viva. Pero naka-move on na ako,” pahayag pa ni Sweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero may blessing naman daw agad na dumating sa kanya. Nang malaman ng Regal Entertainment na wala na siyang kontrata sa Viva, tumawag agad ang Regal sa Star Magic at inalok si Sweet ng dalawang pelikula. Ito ay ang horror movie na Mara kunsaan kasama niya sina Isabelle Daza, Jasmine Curtis Smith at si Raikko Mateo, ang batang bida sa Abs-CBN teleserye na Honesto.

After two weeks, tumawag muli ang Regal sa Star Magic at in-offer-an naman si Sweet ng role sa Shake, Rattle and Roll XV. “Abangan ninyo ito kasi kakaiba ang role ko. May surprise,” sabi pa ni Sweet.

After maging bahagi ng Mirabella, kunsaan umani ng good reviews si John sa kanyang performance, mapapanood ang komedyante sa Wansapanataym mini-series ni Kathryn Bernardo titled Puppy Ko Si Papi. Sinabi ng Dreamscape head na si Deo Endrinal kay Sweet na by October ay may gagawin siyang bagong soap sa primetime.

“Meanwhile, regular guest po ako sa Tropa Mo Ko Nice Di Ba? sa TV5. May regular segment kami ni Alwyn Uytingco ang ‘Anino & Abundat.’ Sobrang nakakatawa at inaabangan talaga ng bongga every Saturday, 8 pm, naman iyon, ” kuwento ni Sweet.

Kasali rin siya bilang Talent Scout sa Talentadong Pinoy.

“Iba’t-iba ang Talent Scout ng Talentadong Pinoy 2014 so I’m honored that isa po ako sa mga Talent Scout na nagpapalitan. Wala pong regular na Talent Scout unlike last season na regular kami ni Direk Joey Reyes,” aniya tunkol sa pagiging bahagi ng Talentadong Pinoy hosted by Robin Padilla, Mariel Rodriguez at Tuesday Vargas.

May pangkabog na entry siya sa Metro Manila Film Festival sa December kasi kasama siya sa tatlong episodes ng Shake, Rattle and Roll XV. First time daw yun nangyari na ang isang artista ay kasama sa lahat ng episodes.

“Tuwang-tuwa yata si Mother at Miss Roselle [Monteverde] pag pinapatay ako ng mga maligno, aswang at kung ano-ano pa just like the past SRR na kasama ako. Well abangan na lang nila kung ano ang papatay sa ‘kin this time,“ natatawang pahayag ni John.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sweet considers himself blessed ngayong 2014 and he is thanking the Lord for the good things coming his way.

“Perfect ang timing ng mga pumapasok na projects. After Mirabella, three movies naman ang ginagawa ko so at least hindi tengga. Nalulungkot ako pag tengga ako. Alam mo yung realization na kahit talented kang tao or award winning ka, e, magiging jobless ka pa din. Yung fact na priority ang box office appeal kaysa sa talent. Pero ganon talaga, and the end of the day Show business is business. Kaya ngayon pinagdadasal ko na maging box office hits ang Moron 5.2 The Transformation, yung Mara at SRR XV. Hopefully ma-consider na din akong bankable star,” natatawang hirit ni Sweet.

Showing na sa November 5 ang Moron 5.2 The Transformation. Becky Pamintuan is back with vengeance. Maghihiganti siya sa Moron 5 na bigla naman nagkaroon ng “super powers” kaya mas mahihirapan si Becky na talunin sila. Dapat daw abangan kung ano ang mga gagawin ni Becky para makuha ang powers ng Moron 5.

Kaya lang hindi magiging visible si Sweet sa promo ng Moron 5.2 kasi by October 23 ay aalis siya with Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Kim Chiu at Marcelito Pomoy para sa kanilang Canada Tour titled One Magical Night. Their shows will be in Toronto (October 24), Edmonton (October 25), Vancouver (November 1) at Winnipeg (November 2).

“Nandon lang ako last year with the Teleserye Bida Boys as their guest. Nabitin yata ang mga kababayan natin sa Canada kaya nirequest ako ulit. Humanda na sila kasi may mga bago po akong materials na ginawa for them. Follow na lang nila ang Twitter at Instagram ko for more details @sweetjohnlapus.”

Next year naman ay nakatakdang gawin ni Sweet ang part two ng Here Comes the Bride, the movie which won for him and Angelica Panganiban as best comedy actor and actress, respectively. Kinausap na raw sila ng kanilang producer na si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films at tuloy na tuloy na ang filming ng movie sa 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN