Donita Nose jokes about leaving Wowowin in the past: "Hindi ako umalis. Pinaalis talaga ako!”

by Ruel J. Mendoza
Aug 18, 2019
Donita Nose returns to Wowowin after leaving Willie Revillame's show in 2018.
Article Summary

a

Nagulat at natuwa ang studio audience ng programang Wowowin sa biglang pag-guest ng komedyanteng si Donita Nose noong August 7.

Kabilang si Donita Nose (Rodello Juntos Solano in real life) sa binigyan ni Willie Revillame ng break sa telebisyon sa pamamagitan nang pag-host ng kanyang GMA-7 game show noong 2015.

Tatlong taon ding naging bahagi si Donita Nose ng Wowowin nang bigla siyang mawala sa Kapuso show noong April 2018.

Galing na mismo sa 40-year-old na komedyante na noong mag-reformat ang Wowowin, isa siya sa tinanggal.

Kaya noong bigla siyang nagbalik sa studio ng Wowowin, masayang-masaya si Donita Nose dahil na-miss raw niya ang show, lalo na ang host nito na si Willie.

Biniro pa ni Willie si Donita na kaya raw ito umalis sa show ay dahil nag-abroad ito, pero pagbalik daw ng Pilipinas ay nilimas ng kanyang boyfriend ang lahat ng kagamitan sa bahay nito, kasama na ang mga tiles ng banyo.

Continue reading below ↓

Bakit nga ba nawala noon si Donita sa Wowowin?

“Hindi ako umalis. Pinaalis talaga ako!” malakas na tawa pa ni Donita.

"Nag-abroad talaga ako para sa pamilya ko. Kailangan natin magtrabaho para sa pamilya," dagdag pa niya.

Nang tanungin ni Willie si Donita tungkol sa boyfriend nito, may bago na raw ito. "May bago na ako ngayon. Oo, nandiyan siya. Mabait, guwapo, mabango, sobrang mapagbigay, mapagmahal at naka-orange siya ngayon," at ang tinutukoy niya ay si Willie.

Malaki nga ang utang na loob ni Donita kay Willie kaya sobra niyang mahal ito.

"Sobrang mahal ko si Kuya Will. Lahat na nangyari sa akin sa GMA, sa buhay ko, sa career ko, it's because of Mr. Willie Revillame. Wala akong kinauutangan ng loob kundi siya lang talaga. Hindi ako kukunin ng iba, hindi ako magkaka-project sa GMA without him," diin pa ni Donita.

Natatawang pahabol pa niya: "Naalala ko kasi tuwing nagbi-birthday kami, binibigyan niya kami ng P5,000. Pero hindi naman ako umaasa. Siyempre, mabait si Kuya Will, hindi nakakalimot sa mga nangangailangan."

Continue reading below ↓

Tinanong ni Willie ang audience kung gusto ba nilang bumalik si Donita Nose sa Wowowin? Malakas na palakpakan ang sagot ng audience.

Nagkuwento pa si Donita kung paano siya naging host sa Wowowin.

Naging contestant din ako. Naglaro ako ng Willie of Fortune. Tapos nag-duet kami ni Jonalyn. Tapos binabalik mo ako at kinuha na ako."

Ginawa namang katatawanan ni Donita ang pagdala niya kay Super Tekla sa Wowowin.

"Nagdala ako ng isa, si Tekla. Nahuli na yata ng PDEA!" tawa pa niya, na ang tinutukoy ay ang government agency na Philippine Drug Enforcement Agency.

Nagtanong si Willie kung bakit ba nawala si Tekla?

Pabirong sinabi ni Donita: "Kasi nga natulog! Noong nawala siya, nawala rin mga bag namin!"

Hindi rin nakaligtas ang bagong host ng Wowowin na si Herlene Nicole Budol a.k.a. Hipon sa mga biro ni Donita.

"Si Hipon? Maganda siya. Maganda yun lang. Maganda siya kaso hanggang leeg lang!"

Continue reading below ↓

Regular nang napapanood sa Wowowin si Donita Rose.

WHY DONITA NOSE WAS REMOVED FROM WOWOWIN

Wala naman daw sama ng loob si Donita sa pagkakatanggal niya sa show noon dahil management decision daw iyon.

"A, hindi... wala akong sama ng loob sa kanya [Willie Revillame]. Actually, sabi ko nga, lahat ng nangyayari sa akin ngayon, it’s because of him. Because of Wowowin kung bakit ako napunta sa GMA-7 at nagkaroon ng mga shows. So, masaya po ako," pahayag ni Donita Nose sa past interview niya sa PEP.ph na na-publish noong April 2018.

Dagdag pa niya: “It’s just that talagang sometimes… siguro kailangan mo nang magpalit, mag-reformat or whatsoever. So, desisyon niya po yun, pero okay naman po kami.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Donita Nose returns to Wowowin after leaving Willie Revillame's show in 2018.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results