Aiko Melendez all praises for director Gina Alajar

by Arniel C. Serato
Aug 19, 2019
Actress Aiko Melendez on director Gina Alajar: "Very Detailed and yet so soft-spoken. I love the fact that how open i can be with her with my suggestions and how brilliant this lady is!"
PHOTO/S: Noel Orsal

Isang madamdaming post ang ibinahagi ni Aiko Melendez sa kanyang Facebook account noong August 10.

Dito ay sinabi niya kung gaano kagaling ang kanyang direktor sa teleseryeng Prima Donnas na si Gina Alajar.

Bukod sa pagiging direktor, isang award-winning actress din si Gina katulad ni Aiko.

Sabi ni Aiko sa kanyang post [published as is], “I worked with her in several movies.

"And small world she became the leading lady of my Father too!

"Now am working with her as my director!"

Ang former actor na si Jimi Melendez ang tatay ni Aiko.

Ani Aiko, "It is truly an honor to be working with a great actress, and now am a witness of how good as a director she is.

"She is indeed an actors' director."

Kasunod nito, ibinunyag din ni Aiko kung gaano ka-cool at kabusisi si Direk Gina sa mga eksena ng GMA-7 show.

Dagdag pa niya (published as is), "Very Detailed and yet so soft-spoken.

Continue reading below ↓

"I love the fact that how open i can be with her with my suggestions and how brilliant this lady is!

"Isa po karangalan na maging director ka @ginalajar.

"Minsan pag nagblocking po tayo nakatulala nalang ako kasi ang dami dami ko pa palang pwede matutuhan and this Project #primadonnas.

"I am humbled as iam being taught again of many learnings :)

"Thank you direk Gina for guiding me.”

Continue reading below ↓

Sa presscon ng show noong August 13, sinabi naman ni Direk Gina na masaya siyang makatrabaho si Aiko.

Kuwento pa niya, nag-usap daw silang dalawa kung paano ibahin ang imahe ni Aiko mula sa pinag-uusapang karakter nito sa dating teleserye sa ABS-CBN. Huling napanood si Aiko sa Kapamilya teleserye na Wildflower.

Pero, hindi daw sila madalas talagang makapag-bonding sa set ng serye dahil naka-focus siya sa pagdi-direk.

Saad ng direktor, “Ang rapport sa set masaya, masaya naman.

“Kasi when I’m directing, minsan konti lang yung time ko to interact with the actors.

“Nakikita ko lang sila kung andun na sila sa set.

“Pero, I make it a point naman to visit them sa tent nila o sa waiting area nila, just sit down for a while.

“And just chika-chika with them para malaman ko rin kung komportable ba sila o meron ba silang reklamo o meron ba silang questions about something.”

Continue reading below ↓

Ngayong hapon, August 19, 3:25 P.M. ang world premiere ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Aiko Melendez on director Gina Alajar: "Very Detailed and yet so soft-spoken. I love the fact that how open i can be with her with my suggestions and how brilliant this lady is!"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results