Ruru Madrid and Gabrielle Garcia paired anew for GMA-7’s mini-series Seasons of Love

Ruru Madrid and Gabrielle Garcia will bring to life soul-switched characters of Rusty and Gracia on Seasons of Love that will begin airing this October 6.



Nag-uumapaw sa kilig ang naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang mga miyembro ng press kina Ruru Madrid at Gabrielle Garcia nitong Huwebes, September 25, sa University of the Philippines Los Baños.

Ang dalawang baguhang Kapuso stars kasi ang magbibida sa pilot episode ng mini-series ng GMA, ang Seasons of Love, na papalit sa My BFF at ipapalabas sa darating na October 6.

Makakasama nila dito ang iba pang Protégé: The Battle for The Big Artista Break finalists na sina Elle Ramirez, Shelly Hipolito, at Reese Tayag. Ang kanilang episode ay dinirek ni Gina Alajar at pinamagatang “Sweet Exchange.”

Iikot ang istorya sa dalawang bida na magkakapalit ng katawan. Si Gabbi ang magbibigay buhay sa karakter ni Gracia na makakapalitan ng katawan ni Rusty, ang karakter ni Ruru.

Kuwento ni Gabbi, “Mag-e-exchange po kami ng katawan ni Ruru, ako po magpe-play as Rusty.

“Si Ruru si Rusty, ako po si Gracia pero magkakapalitan po kami [ng katawan] so magiging ako po si Rusty, siya po si Gracia.”

Dagdag pa niya, “Lalaki talaga ako, magpapanggap ako as lalaki.”

Ikinuwento naman ni Ruru kung paano nga ba magsisimula ang istorya ng mga karakter nila ni Gabbi.

Ani Ruru, “Si Rusty po maangas, siya yung pinaka-popular sa school.

“Siguro 50 percent ng population ng school nila naging girlfriend niya na.

“Ngayon, bagong salta [si Gracia] siyempre promdi, ganun.

“Tapos hanggang sa mag-aaway kami, may isang mangyayareng trahedya.”

Dagdag pa ni Gabbi, “May weird akong bestfriend na mahilig sa aliens, ganun.

“Tapos ano po, dadalhin nga ako sa isang bundok which is sasama si Ruru sa akin.

“Tapos may meteor shower na magaganap.”

At dahil nga nagkapalit ang kanilang mga karakter ng katawan, hahanap sila ng paraang upang maibalik ang dati nang hindi nalalaman ng kanilang mga kaibigan.

Kuwento pa ni Gabbi, “Magpapanggap, magdi-deal kami kasi siyempre pag sinabi namin, sasabihin ng iba nasisiraan kami ng ulo, ganyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado naman si Gabbi na hindi rin madali ang pagganap sa kanyang karakter lalo na’y isang lalaking sumanib sa katawan ng babae ang gagampanan niya ngunit napaghandaan naman daw nila ito.

Kuwento ng 15-year-old Kapuso talent, “Siyempre, challenging po yung role pero habang tumatagal po medyo nakakapag-adapt naman ako.”

“Nag-one day workshop po kami.”

LOVE TEAM. Ito ang ikalawang beses na maipapareha si Gabbi kay Ruru. Naging maganda ang pagtanggap ng mga manonood nila sa My Destiny kung saan unang nagkatambal ang dalawang young stars.

Nang tanungin si Ruru kung nanliligaw na ba siya kay Gabbi, sagot nito, “Hindi pa po, e.”

Biro pa niya, “Siya [Gabbi] po kasi yung laging nangungulit sa akin, sabi niya, ‘Ru, nood tayong sine?’”

Ano ba ang mga nagustuhan niya kay Gabbi?

Biglang banat naman ng pick-up line ni Ruru, “Actually lahat naman po gusto ko sa kanya.

“May isang bagay lang na ayaw ko e, yung apelyido niya dapat Madrid!”

Sa una nilang pagkikita, sinabi ni Gabbi na medyo “snob” nga daw ang kapareha hanggang sa makakulitan niya na ito. Depensa naman ni Ruru, hindi naman daw siya snob ngunit mahiyain lang talaga sa mga unang beses niyang makikilala.

Paninigurado pa ng young star, “Ako naman po, siguro basta kung ano po yung pinapakita ko sa kanya, yun po ang totoong ugali ko.

“Hindi ko naman po siya pinaplastik.”

Maalaga din daw si Ruru sa kanyang mga nakakapareha, ngunit ano nga ba ang kanyang ginagawang “pag-aalaga”?

Sagot niya, “Ano po, tulad po niyan kapag kumakain po lagi ko po siyang hinahanap para kumain.

“Lagi ko po siyang tinetext bago siya umuwi.

“Kung nakauwi na ba siya, sabi ko, ‘Text mo ako pag nakauwi ka na.’”

Naikuwento rin ni Ruru na nabigyan na niya si Gabby ng regalong unan na kaparehas daw ng kanya. Maging ang mommy niya, binigyan din si Gabbi ng regalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangtanunging kung ano ito, sagot ni Ruru, “Mommy ko binigyan na siya ng heels.

Dagdag naman ni Gabbi, “Basta wedge na heels.”

Ano naman kaya ang nairegalo ni Gabbi para kay Ruru?

Sagot ng dalaga, “Parehas kami ng table, parehas kami ng table.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN