Former Eat Bulaga! co-host Sinon Loresca wishes to be a part of It's Showtime, meet Vice Ganda

by Rommel Gonzales
Aug 23, 2019
Sinon Loresca on appearing in It's Showtime: "It’s a dream for me, kasi siyempre, Vice Ganda! Iyan po ang pinakaidolo ko sa LGBT natin, iyan po yung pinaka-queen natin."
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Nilinaw ni Sinon Loresca ang tungkol sa pagkawala niya sa Eat Bulaga! noong 2018.

Lahad niya, “Actually, March last year.

"Kasi, ganito po yun, nagta-travel-travel din po ako sa ibang bansa.

"So, may moment po na hindi po kayo basta-basta papayagang lumabas pag nasa Eat Bulaga! ka.

“So, nahati po yung sked ko that time.

"So, kasi hindi naman po ako kontrata sa Eat Bulaga, so… wala po akong contract, so iyon po.

“Kinuha ko rin po ang mga raket sa ibang bansa hanggang ngayon. So, iyon lang po.

“Pero nagge-guest po ako. Two months ago, nag-guest ako sa Eat Bulaga! 'tsaka sa GMA, so happy pa rin po naman ako kahit papaano.”

Maayos daw ang relasyon niya sa grupo ng Eat Bulaga! at producer nitong TAPE, Inc.

“Okay po ako, wala po kaming isyu, masaya po kami lahat.

"'Tsaka open din po ako sa lahat ng projects.

“Parang, ngayon may gagawin akong movie, I cannot mention it yet, but ang mga artista po na kasama ko, ABS-CBN, so…”

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sinon nang ilunsad siya bilang bagong endorser ng Frontrow, sa Dampa Seafood Grill, Quezon City, noong Agosto 18, Linggo.

SINON LORESCA WANTS TO APPEAR ON IT'S SHOWTIME

Speaking of ABS-CBN, halimbawang kunin siya ng It’s Showtime na katapat ng Eat Bulaga!, surprisingly ay papayag daw si Sinon.

“Oh my God, It’s a dream for me!” bulalas niya.

Kahit mahigpit itong kalaban ng Eat Bulaga! na nagbigay sa kanya ng pagkakataon bilang Rogelio ng Kalyeserye?

Saad ni Sinon, “Wala naman na… ang pagkakataon po sa akin, kung saan po ang trabaho, dun tayo.

“Kung saan po ang pagkakataon na mabibigyan ka nila, doon po tayo.

“Pero at the end, huwag lang po tayong makalimot kung saan ka nanggaling, iyon ang pinakaimportante.

“It’s a dream for me, kasi siyempre, Vice Ganda!

"Iyan po ang pinakaidolo ko sa LGBT natin, iyan po yung pinaka-queen natin."

Si Vice Ganda ang main host ng It’s Showtime.

Continue reading below ↓

“Hinahangaan ko siya, kasi magaling magpatawa, magaling siya sa lahat ng bagay, napakabilis niyang magpatawa.

“So, dream ko rin po iyon."

Sabi pa ni Sinon, “Kahit saan naman po ako, puwede na, e, kasi wala naman po akong contract na channel, e.

“So I’m open for any kind of opportunities...

“Idol ko si Vice, hindi ko pa nami-meet, I wish one day...

"So, hopefully, makita ko siya kasi I’m a big fan.

“Sobrang fan ako ng isang Vice Ganda.”

EAT BULAGA FAMILY

Sa Eat Bulaga!, ang pinaka nami-miss ni Sinon ay ang King of Transformation na si Paolo Ballesteros.

“Siyempre, si Kuya Paolo. Yung bonding namin, si Kuya Paolo.

“Actually, lahat sila. Si Allan K... lahat actually, lahat actually ng Eat Bulaga!

“We are one big family sa Eat Bulaga!

"Nung nag-Eat Bulaga! po ako, itinuring po nila ako na pamilya.

"Sobrang hindi ko po naramdaman na nag-i-start lang ako dito.

Continue reading below ↓

"Basta pag nasa Eat Bulaga! ka, pamilya ka namin dito.

“Kung anong meron sila, meron ka.

“Sobrang saya!”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinon Loresca on appearing in It's Showtime: "It’s a dream for me, kasi siyempre, Vice Ganda! Iyan po ang pinakaidolo ko sa LGBT natin, iyan po yung pinaka-queen natin."
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results