Jessy Mendiola debunks claim of basher saying that she has no TV show

by Justine Punzalan
Aug 29, 2019
Jessy Mendiola tells netizen that she is currently busy shooting for the TV show SanDugo. It is expected to air its pilot episode this September 2019 on ABS-CBN's Kapamilya Gold.
PHOTO/S: @senorita_jessy on Instagram

Mahigit tatlong taon na mula noong nasubaybayan ng fans si Jessy Mendiola sa isang regular TV show.

Ngunit noong August 23, 2019, ikinumpirma ng ABS-CBN actress na muli na naman siyang mapapanood sa isang teleserye simula September 2019.

Inanunsyo ito ni Jessy sa pamamagitan sa pagsagot sa isang follower na nagkumento sa kanyang Instagram post.

Continue reading below ↓

Ang Instagram post ni Jessy ay tungkol sa "Can't Say No Challenge" na ipinagawa sa kanya ng boyfriend na si Luis Manzano at in-upload ng aktres sa kaniyang YouTube channel noong August 22, 2019.

Ngunit, nagiwan ang follower na si @paul_carston ng komentong nagsasabing, "Ganda sana kaso parang wala ng show/project [crying emoji]."

Sinagot naman ito ni Jessy ng, "@paul_carlston SanDugo po :) choice ko po mag pahinga din."

Continue reading below ↓

Ikinatuwa naman ito ng ilang fans at pati na rin ni paul_carlston mismo.

Ika ng follower, "Finally [smiling face with heart eyes emoji]"

Dinetalye rin ni Jessy ang launch ng Kapamilya show sa pamamagitan ng pagsagot sa komento ng isa pang follower.

Ani ng follower, "@senorita_jessy sana malapit na 'yan mapalabas so excited!!! [smiling face with heart eyes emoji] [hearts emoji]"

Continue reading below ↓

Sagot ni Jessy: "Sa September na po :)"

Continue reading below ↓

Tanong rin ng isa, "Ang SanDugo po ba, sa ABS-CBN din ipapalabas? We support you and Luis! [kissing face emoji]"

"Yes po, sa Kapamilya Gold," sagot ng aktres.

JESSY MENDIOLA STARS IN SANDUGO

Ang SanDugo ay isang drama series na pagbibidahan ni Jessy kasama ang Kapamilya stars na sina Elisse Joson, Ejay Falcon, at Aljur Abrenica.

Continue reading below ↓

Inilahad ni Jessy sa press conference ng pelikulang Stranded noong March 26, 2019 na matagal din niyang inaantay ang kanyang pagbabalik-teleserye.

Aniya, "Siyempre, naiinip po ako. Sino ba naman pong hindi? Pero kung naiinip ka man, e, di gumawa ka ng something productive o puwede mong kabisihan, like, 'yan ang business o kung ano pang medium na puwede mong ipakita ang sarili mo."

Huling lumabas si Jessy sa prime-time series FPJ's Ang Probinsyano noong 2018, pero ang kaniyang huling regular teleserye ay ang You're My Home na nagtapos noong March 2016.

JESSY MENDIOLA SLOWLY RISES FROM CAREER SETBACK

Sa grand press con ng kaniyang 2018 Metro Manila Film Fest entry na The Girl in the Orange Dress, inamin ni Jessy na tumamlay ang kaniyang career simula nang naging magkarelasyon sila ni Luis noong June 25, 2016.

Sambit ng Kapamilya actress, "Alam naman nating lahat yun, e. Yung nangyari sa akin, I’m sure nahalata niyo rin...yung result nung nangyari before.

Continue reading below ↓

"And malakas ang loob ko na magsabi na talagang nanamlay ang career ko dahil mas pinili ko yung puso ko.”

Subalit naniniwala pa rin si Jessy na darating din ang panahong muling aarangkada ang kaniyang career kasabay ng matibay nilang relasyon ni Luis.

Aniya, "Totoo yun na hindi mo puwede makuha nang sabay-sabay pero naniniwala ako na makukuha mo silang lahat.

"Yung magmi-meet silang lahat sa isang point ng buhay mo and naniniwala na ako na malapit ako dun, nalalapit ako dun pero papunta pa lang ako."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola tells netizen that she is currently busy shooting for the TV show SanDugo. It is expected to air its pilot episode this September 2019 on ABS-CBN's Kapamilya Gold.
PHOTO/S: @senorita_jessy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results