The Clash champion Golden Canedo comments on Regine Velasquez’s transfer

by Arniel C. Serato
Sep 2, 2019
The Clash champion Golden Canedo (in photo) on Regine Velasquez: "Yes, nagkausap po kami. And then nag-advise po siya as a singer and as an ate rin po namin.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Malapit nang magsimula ang Season 2 ng The Clash ng GMA-7 at hinirang na nga sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz bilang mga bagong hosts ng nasabing reality-singing contest.

Ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang original host ng nasabing show ng Kapuso Network.

Continue reading below ↓

Ang una namang tinanghal na Ultimate Clash Champion noong September 30, 2018 ay ang contestant mula Cebu na si Golden Canedo.

Bago pa man magtapos ng Season 1 ng The Clash, umingay na ang balitang tinatapos na lang ng Asia's Songbird ang show at lilipat na ito sa Kapamilya Network.

Continue reading below ↓

At dalawang linggo pagkatapos ng show, pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN noong October 17, 2018.

Ngayong magsisimula na ang show na kanyang pinanggalingan, nalulungkot ba si Golden na wala na si Regine?

Tugon ng 17-year-old singer, “Yun po talaga siguro yung plano niya and yun po yung gusto niya.

“So, we’re happy na lang po and support na lang po kung ano po yung gusto niya.”

Dagdag pa niya, “May bago naman pong host ang The Clash.

“Sobrang happy ko rin po kasi ako po yung tinanghal, ako po yung parang first na nanalo.

“Nakita ko po yung contestants [ngayon] kung paano sila... nakikita ko po sa kanila yung [pinaghirapan ko] noon po.”

Ayon pa sa kanya, maayos ang naging samahan nila ni Regine noong host pa ito ng show.

Sabi pa ni Golden, “Yes, nagkausap po kami.

“And then nag-advise po siya as a singer and as an ate rin po namin.”

Continue reading below ↓

BLESSED GOLDEN

Bilang Ultimate Clasher, napagwagian ni Golden ang isang exclusive contract sa GMA-7, brand new car, house and lot, at P1 million cash.

Ano na ang mga nabago sa buhay niya?

Nakangiting sagot ng Kapuso singer, “Malaki pong pinagbago ng buhay ko.

“Siyempre po, madami na po akong shows.

“Then, madami na pong mga shows like Studio 7, ganun po.

“And also, mga mall shows po.”

Dagdag pang kuwento ni Golden, “Ngayon po, ang pagbabago lang po, hindi naman po nagbago ang family namin.

“Nagbago lang po yung takbo ng buhay namin.

“As usual po, GMA po ako and if walang work, school po.

“Nag-aaral po ako sa Cavite, grade 11.”

Ano pa ang gusto niyang marating sa kanyang karera?

Sabi niya, “As of now, nag-focus lang po muna kami sa singing.

“And soon po, kung ano pa yung maibibigay ng GMA sa akin, tingnan na lang po natin.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Clash champion Golden Canedo (in photo) on Regine Velasquez: "Yes, nagkausap po kami. And then nag-advise po siya as a singer and as an ate rin po namin.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results