Victor Neri trains lead stars of action-packed TV series Beautiful Justice

by Ruel J. Mendoza
Sep 3, 2019
Victor Neri trained Kapuso stars on how to portray agents of the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi lang artista sa GMA-7 primetime teleserye na Beautiful Justice ang aktor na si Victor Neri, kundi bahagi siya ng creative team nito.

Kasama si Victor sa nag-train sa cast ng Beautiful Justice na pinangungunahan nina Yasmien Kurdi, Bea Binene, Gabbi Garcia, Gil Cuerva, at Derrick Monasterio bilang agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

"Sa paglabas sa isang action film, be it military-based or law enforcement-based, importante yung ma-handle mo ang technicalities,” pahayag ni Victor sa media conference ng Beautiful Justice noong August 27, Martes, sa La Reve, QC.

“Mula sa uniporme, yung language na ginagamit nila at yung kilos. Movement is very important.

“Sinasabi ko nga na hindi ito action na may halong fantasy. Walang harness dito, kasi feeling mo, lilipad ka.

“Think of it as real life. They have to learn doing their own stunts para walang nasasaktan.

“Kaya iba-iba ang training para diyan. Hindi porke’t marunong kang humawak at kumalabit ng baril, yun na yun. You need to train kasi iba ang military training sa training ng law enforcers.

Continue reading below ↓

“Pagdating sa fighting, marami ring pagkakaiba. Dito sa Beautiful Justice, we’re introducing a less lethal hand-to-hand combat.

“Isa pang importanteng gawin, if you’re doing action, you have to look the part. Kaya diyan papasok ang physical training. Para convincing kang tingnan sa role mo.

“Nakakatuwa naman dahil very cooperative at fast learners ang mga artista natin dito sa teleserye.”

Umoo agad si Victor nang i-offer sa kanya ang Beautiful Justice.

Na-miss kasi ng 43-year-old actor ang mag-action dahil puro drama ang offer sa kanya before.

“When they said na action yung tema ng teleserye, yun na yun. Wala na silang kailangan pang-i-explain sa akin.

“Sobra kong na-miss ang gumawa ng action movies.

"Nung wala nang gumagawa ng action movies around 2007, I stopped muna from acting.

"Kasi, hanap ko talaga, action roles. I went abroad at nag-aral ako ng kung anu-ano.

Continue reading below ↓

“I was doing drama both sa movies and TV noon. Sinubukan ko pang magpa-sexy noon para lang makasabay.

“Iba pa rin ang feeling when you’re doing action. Para sa akin, madali lang,” ngiti pa niya.

Nagbida si Victor sa ilang action films noong ‘90s tulad ng Asero, Utol, Amanos: Patas Ang Laban, Iskalawag, Birador, Notoryus, Tigasin, Suspek, at Ex-Con.

Bukod sa pagiging martial arts expert, nag-train si Victor bilang bomb disposal technician with the Philippine Coast Guard.

Nagtrabaho siya sa fugitive search unit ng Bureau of Immigration.

Certified chef din si Victor na nag-aral ng Culinary Arts sa Le Cordon Bleu in Bangkok, Thailand.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Victor Neri trained Kapuso stars on how to portray agents of the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results