John Prats' proposal to Isabel Oli to air on Banana Split this Saturday

Isabel Oli describes John Prats as the "bestest best fiancé."



Marami ang kinilig at naiyak sa ginawang surprise wedding proposal ni John Prats para kay Isabel Oli noong September 24 sa Eastwood, Quezon City.

Naging unique ang proposal ni ginawa ni John dahil sumama siya sa isang flash mob dance habang pinapatugtog ang kantang "Will You Marry Me."

Nakatulong ni John sa ginawang proposal na yun ang kanyang pamilya, mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz, lalo na ang mga kaibigan at co-stars niya sa programang Banana Nite at Banana Split: Extra Scoop dahil present halos ang lahat sa ginawang proposal ni John.

Gayundin siyempre ang mga nag-participate na dancers online kahit na hindi pa alam ng mga ito noong una kung para saan ang gagawing flash mob.

Malaking tulong din sa kanila ang Nice Print Photography sa nangyari at sabi nga ni John, may dalawang buwan din daw niyang pinaghandaan ang naturang flash mob proposal na labis na nagpaluha kay Isabel at sa mga naka-witness din.

Ngayong Sabado ng gabi, October 4, sa Banana Split: Extra Scoop, mapapanood ang eklusibong full coverage ng proposal ni John sa kanyang bride-to-be na si Isabel. Ang show na ito ay ipapalabas sa ABS-CBN pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya.

Kahit si Isabel, umaming kahit may isang linggo ng nakalilipas simula nang maging future Mrs. Isabel Oli-Prats siya, hindi pa rin siya maka-move-on sa saya at kilig na dala ng naturang proposal sa kanya. Nag-post si Isabel sa kanyang Instagram account kunsaan nakalista roon ang mga tumulong kay John.

Ito ang caption ni Isabel sa kanyang Instagram post, “It’s been a week since @iamjohnprats proposed to me but I still feel like I’m on cloud 9. Thank you for giving me the bestest best fiancé! And of course, thank you to all the people who we’re involved in #JohnLivEngagement. Thank You.”








Bukod sa pagpapalabas ng full video ng proposal nina John at Isabel, mapapanood din sa Banana Split: Extra Scoop ang iba pang special guest stars na sina Miles Ocampo, Karen Reyes, Sophia Andres at Nadine Lustre na makakasama sina Tito Bhoy (Jayson Gainza) at Toni G (Alex Gonzaga) sa segment na “The Buzzzzz.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN