Arra San Agustin finally gets title role via Kapuso teleserye Madrasta

by Rommel Gonzales
Sep 4, 2019
After being relegated to supporting role in My Special Tatay, StarStruck 6 alumna Arra San Agustin now plays the title character in the upcoming Kapuso afternoon series Madrasta.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Na-excite at natuwa si Arra San Agustin na pagkatapos ng 6th season ng StarStruck noong 2016, bida na siya ngayon sa Kapuso teleseryeng Madrasta.

“Siyempre, mga ilang taon din po yun na hinintay ko, nagkaroon ako ng sarili kong show talaga na title role.

“Pero bukod sa excited, siyempre kinabahan po ako kasi malaking responsibilidad, malaking tiwala po yun na ayaw ko naman siyempre silang [GMA management] ma-disappoint.

“So pressured!” at tumawa ang magandang Kapuso actress.

“Kung gaano ako ka-excited, ganun din ako ka-pressured, na siyempre kailangan kong ibuhos lahat.

"Bawat eksena, kailangan kong ibuhos lahat."

Matapos ang My Special Tatay, kung saan support lamang siya kina Ken Chan at Rita Daniela, heto at female lead na si Arra sa Madrasta.

Kung tutuusin, siya ang leading lady ni Ken sa My Special Tatay, pero dahil mas nagustuhan ng publiko ang tambalan nina Ken at Rita, naging support si Arra.

Continue reading below ↓

Hindi iyon ikinasama ng loob ni Arra.

“Okay lang naman po," pakli niya.

"I think kung ano naman po talaga yung tamang panahon, at least ngayon may title role, title role talaga siya, so malaking bagay.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arra sa taping ng Madrasta nitong September 2, Lunes, sa Sitio Elena Events Place sa Ortigas Extension, Cainta, Rizal.

PORTRAYING A STEPMOTHER

Bukod sa malaking proyekto ito, unang beses ding gaganap na madrasta si Arra.

“First time na may mga anak involved. Mga anak po talaga siya ng karakter nina Thea and Juancho.”

Leading man sa Madrasta si Juancho Trivino, at kontrabida si Thea Tolentino.

“So siyempre po, parang magiging anak ko na rin, magiging nanay rin po yung role ko po sa kanila.”

At dahil dalaga pa at walang anak sa tunay na buhay ang 24 years old na si Arra, paano niya pinaghandaan ang role niya bilang stepmother na si Audrey?

Continue reading below ↓

Saad niya, “Ako, ginagawa ko lang basis kung paano, yung mommy ko.

“Kasi yung mommy ko, makikita ko yung level ng pagmamahal ng mommy ko, ganun yung level ng pagmamahal ni Audrey para sa mga anak niya.

“Kasi yung mommy ko, pag nagmahal siya, all-out talaga siya.

"Itong character ni Audrey, all-out din siya.

“Kaya mostly almost all yung mga eksena ko po na may mga heavy drama, inspirasyon ko yung mommy ko, siya talaga yung pinaghuhugutan ko.”

ON JUANCHO TRIVINO

Unang beses na naging leading man ni Arra si Juancho.

Kumustang katrabaho si Juancho?

“Kumportable po ako sa kanya, kasi matagal ko na siyang kilala.”

Pareho silang hindi pa artista ay magkakilala na sila.

“Common friends po, e. Yung pinsan niya po kasi, close ko nung college, kaklase ko nung college.”

Niligawan ba siya ni Juancho dati?

Natigilan si Arra at natawa bago nakasagot, “Hindi ko po alam, ano lang, friends lang.”

Continue reading below ↓

Pareho silang walang karelasyon noong mga panahong magkakilala na sila.

Sa pangungulit namin kung “nagparamdam” ba si Juancho dati sa kanya…

“Sakto lang!” nahihiya at tumatawa pa ring sagot ni Arra.

Bakit hindi niya sinagot o kung bakit hindi natuloy ang panliligaw ni Juancho sa kanya?

Pag-amin ni Arra, “Kaka-break ko lang po nun, e.”

So, nanligaw nga si Juancho sa kanya?

“Hindi naman po!” at muling tumawa si Arra.

Masaya si Arra sa relasyon nina Juancho at Joyce Pring.

“Oo naman po, happy ako for them.

"Nakikita ko naman po yung mga IG post nila kung paano sila together.

"Happy naman ako for Juancho."

Na-meet na raw ni Arra si Joyce sa isang event ng digital shows ng GMA-7.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After being relegated to supporting role in My Special Tatay, StarStruck 6 alumna Arra San Agustin now plays the title character in the upcoming Kapuso afternoon series Madrasta.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results