Alden Richards on renewing his contract with GMA-7: "I am where I am supposed to be."

by Jojo Gabinete
Sep 4, 2019
Alden Richards on his passion for work: "Yun po siguro ang isa rin sa mga pinanghahawakan ko kasi very passionate po ako sa trabaho ko. Alam po ‘yan ng mga tao na nakakasama ko sa set na mahal na mahal ko po yung trabaho ko."
PHOTO/S: Noel Orsal

Kinaiinggitan si Alden Richards dahil sa popularidad nito at sa magandang takbo ng showbiz career niya.

Pero ang hindi alam ng lahat, tulad ng isang normal na tao, pinanghihinaan din siya ng loob.

Ito ang kanyang nabanggit nang mapag-usapan ang magandang relasyon nila ng management ng GMA-7.

Ibinahagi ni Alden sa entertainment press ang mga saloobin sa presscon na ipinatawag ng kanyang home studio pagkatapos ng renewal ng exclusive contract niya na naganap nitong Martes ng tanghali, September 3, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Mensahe ng Asia's Multimedia Star sa kanyang home network, “Maraming salamat po sa faith niyo sa akin.

"Kahit minsan, ako na po yung ayaw.

"Parang sinasabi ko na hindi ko po kaya ‘yan kasi ganito lang po yung mangyayari, ito yung magiging turnout.

"Isa po sila sa mga nagpapalakas ng loob ko.

"Taos-pusong walang hanggang pasasalamat po sa GMA, sa paniniwala sa akin, sa patuloy po na pagtitiwala sa akin sa mga bagay na kaya kong gawin at sa pagbibigay sa akin ng lakas ng loob gawin ang mga bagay na pakiramdam ko po ay hindi ko kaya.

Continue reading below ↓

"Kasi, being with the Kapuso Network is one of the best decisions in my life.

"And it’s my ninth year, going on my tenth next year, so there’s so much more to look forward to.

"Mas habang tumatagal po ako sa GMA, mas nagiging pamilya ang trato nila sa akin at ang trato ko sa kanila, so I am where I am supposed to be."

ALDEN RICHARDS'S GUT FEEL

Malakas ang gut feel ni Alden dahil nararamdaman niya sa tuwing may malaking mangyayari sa kanyang career.

Pahayag niya, "Masaya po ako na nandiyan pa rin ang mga tao na nandoon sa akin nung mga times na malungkot ako.

"May mga times na down ako. May mga times na halos ayoko na, sila yung talagang nagpu-push sa akin na meron at meron pa 'yan.

"Meron at meron pang darating sa 'yo na bigger than you’ll be expecting.

Continue reading below ↓

"Siguro, yun po ang naibibigay sa akin na comfort kapag kinakausap ko po yung Diyos.

"Na parang minsan, sasabihin ko, 'Lord, parang ayoko na kasi parang ang feeling ko, hindi na ako dapat nandito.'

"But, meron po lagi akong nararamdaman.

"Sinasabi ko po ‘yan kay Miss Gigi [Santiago-Lara, GMA Artist Center head], may nararamdaman ako na parang something big will happen.

"Ganito na po ako makiramdam way back before bago mag-Tamang Panahon, nung bago po mangyari itong pelikula."

Ang "Tamang Panahon" na tinutukoy ni Alden ay ang phenomenal tandem nila ni Maine Mendoza, ang AlDub, na nabuo dahil sa Kalyeserye ng Eat Bulaga! noong 2015.

Ang "pelikula" namang tinutukoy niya ay ang Hello, Love, Goodbye na iprinodyus ng Star Cinema at pinagtambalan nila ni Kathryn Bernardo.

Sa kasalukuyan ay mahigit P800 million na ang box-office gross ng Hello, Love, Goodbye, na siya na ngayong highest-grossing Filipino film of all time.

Continue reading below ↓

Patuloy ni Alden, "Parang sinasabi ko po lagi kay Ms. Gigi na may nararamdaman ako.

"Yun po siguro ang isa rin sa mga pinanghahawakan ko kasi very passionate po ako sa trabaho ko.

"Alam po ‘yan ng mga tao na nakakasama ko sa set na mahal na mahal ko po yung trabaho ko.

"As in ito po yung hindi lang bumubuhay sa akin sa material, but bumubuhay sa pagkatao ko as a person.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards on his passion for work: "Yun po siguro ang isa rin sa mga pinanghahawakan ko kasi very passionate po ako sa trabaho ko. Alam po ‘yan ng mga tao na nakakasama ko sa set na mahal na mahal ko po yung trabaho ko."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results