Derrick Monasterio honored, pressured to clash with Coco Martin on prime time

by Rose Garcia
Sep 5, 2019
Derrick Monasterio on being paired with Gabbi Garcia for the first time: "At least, kahit papaano, something new at nag-e-experiment talaga ang GMA at tinitingnan nila kung ano ang magwu-work."
PHOTO/S: Noel Orsal

Si Derrick Monasterio ang lumalabas na male lead sa bagong Kapuso prime-time series na Beautiful Justice, habang tatlo ang mga bidang babae—sina Gabbi Garcia, Bea Binene at Yasmien Kurdi.

Parang siya ang pantapat ng Kapuso kay Coco Martin ng FPJ’s Ang Probinsyano?

“Honored siyempre and pressured,” sabi ni Derrick sa tapatan nila ni Coco simula sa September 9, Lunes ng gabi.

“Honored dahil may tiwala sila sa akin. Pero at the end of the day, yung tatlong girls din naman ang magdadala.

“But of course, kaming lahat, buong cast. Pero siyempre, sila yung billing.

"Feeling ko naman kaya nila ‘yan at alam kong kaya nila."

May pressure pa rin siyang nararamdaman?

“Meron,” pag-amin ni Derrick.

“Yun nga e, kapag hindi nag-work, e, di hindi nag-work.

"Pero ang maganda rito, nakagawa ka ng show na nabigay mo yung best mo. Na may matutunan ang tao sa ‘yo.”

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa grand presscon ng Beautiful Justice sa GMA-7 noong Agosto 27, Martes sa La Reve, Quezon City.

DERRICK AS PDEA AGENT

Ang PDEA (Philippine Drugs Enforcement Agency) ang isa sa nagga-guide sa istorya ng Beautiful Justice.

Pero ang mga Pinoy ay hati sa pagtingin sa PDEA dahil sa war on drugs, at mga extrajudicial killing.

Saan lulugar ang Beautiful Justice sa usaping ito?

“Basta kami, kung ano ang ginagawa ng PDEA, doon kami,” lahad ni Derrick.

“Kasi siyempre, kapag may ginawa kaming against sa values nila... Although, sa kahit anong show naman, hindi makukuntento ang tao, palaging may sasabihin.

“Kahit fantaserye pa ‘yan, palaging may criticism.”

Suportado raw ni Derrick ang war on drugs ng gobyerno.

“Okay po sa akin,” sabi niya.

“Hindi ko naman kasi malalaman yung mga foul play kung hindi ko nakikita.

Continue reading below ↓

"Ang pinanghahawakan ko ngayon, yung tiwala sa PDEA, kay Duterte.

“Hindi ako magko-comment sa issue na wala ako roon, hindi ko nakita, kasi maraming stories.”

May twist ang karakter ni Derrick bilang PDEA agent sa Beautiful Justice.

“Ang maganda sa role ko, hindi lang siya one dimension. Marami siyang angst. Hindi nakaka-bore gawin.

“Hindi ko kasi siya puwedeng i-spoil kung ano ang mangyayari sa role ko, pero yun nga, hindi siya one dimension lang,” pahayag ni Derrick.

Mula sa pa-tweetums na mga karakter dati, mature roles na ang ginagawa niya.

“Happy ako, happy... at saka, maganda rin na pinagkakatiwalaan kami ng GMA na tumapat sa kalaban. ‘Di ba, big deal ‘tong slot na ‘to,” natawang sabi niya.

DERRICK ON BEING PAIRED WITH GABBI

Ano ang reaksiyon ni Derrick nang malaman niyang si Gabbi Garcia at hindi si Bea Binene ang leading lady niya?

Continue reading below ↓

“Of course, Gabbi is very, very beautiful, sa totoo lang,” saad niya.

“Actually, lahat silang girls, ang gaganda nila, ha? Para sa akin, silang tatlo ang magagandang artista sa GMA.

"Happy ako na kasama ko sila sa show at happy ako na friends sila.”

Hindi siya nagulat kung bakit hindi sila ni Bea ang ginawang love team pa rin?

“Happy ako,” sambit niya.

“Happy ako na kahit paano, nag-e-experiment ang GMA. Kasi, matagal ko na rin ka-love team si Bea.

Tween Hearts pa lang, ka-love team ko na si Bea.

"So, masaya ako na ka-love team ko si Gabbi kasi, at least, kahit papaano, something new at nag-e-experiment talaga ang GMA at tinitingnan nila kung ano ang magwu-work.”

Ayon kay Derrick, ilang buwan na siyang single. Pero may nali-link sa kanya na foreign model.

Si Gabbi, dalawang taon na ang relasyon sa Kapamilya star na si Khalil Ramos.

Continue reading below ↓

Kung nagkataong walang boyfriend si Gabbi, may posibilidad bang ligawan niya ito?

“Puwede,” mabilis na sagot ni Derrick.

“I mean, hindi natin masasabi. Puwede po...

"Kasi, kami ni Gabbi ngayon, nagkakasundo kami off-cam kapag nagkakausap kami. Mga random na bagay.

“Hindi ako nabu-bore na kausap at yun ang importante.”

Nanghihinayang ba siya na may boyfriend na si Gabbi?

“Hindi naman,” nakangiting tugon ni Derrick.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derrick Monasterio on being paired with Gabbi Garcia for the first time: "At least, kahit papaano, something new at nag-e-experiment talaga ang GMA at tinitingnan nila kung ano ang magwu-work."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results