Cris Villonco on being part of an affluent family: "Hindi ko naman po pera yun, sa kanila po yun."

Cris Villonco proud of her “sosyal na kontrabida” role in Ang Lihim ni Annasandra.



Matagal nang gusto ni Cris Villonco na umarte sa telebisyon. Luckily, napasama siya sa cast ng fantaseryeng Ang Lihim ni Annasandra kung saan siya ang gaganap na kontrabida kay Andrea Torres.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal). “It’s been good, I’ve been nervous a lot dito. It’s been a lot of fun, pero siyempre ano rin ako…kabado.”

Bilang apo ng beteranang actress na si Armida Siguion-Reyna, humingi ba siya ng advice tungkol sa pag-arte ng tama sa harap ng mga kamera?

Tugon niya, “I’ve been asking for advice, what else I can work on, siyempre sinasabi rin nila na masasanay rin ako, kasi siyempre hindi rin ako sanay.”

Naging bahagi ng mgaraming theater productions si Cris. Paano kaya siya nag-adjust sa taping schedules?

Tugon ng 30-year-old singer-actress, “Oo, iba rin yung schedule pero I was ready for it, siyempre hinihintay ko talaga ‘to.

“And, I've been begging for something pero you know people also have hesitations siyempre kasi ang tagal ko na pong nawala and usually kilalang kilala nila ako bilang englisera.

“Pero, I think yung trabaho ko po sa teatro, yun ang nagpa-push ‘no, nagpaunlak sa mga tao to notice me, see that marunong naman po ako managalog.”

Nakausap ng PEP si Cris sa grand launch ng Ang Lihim ni Annasandra sa Area 05 Events Place nung Miyerkules, October 1.

WELL-OFF FAMILY. Sa unang sabak niya sa telebisyon, malaking hamon kaagad ang kanyang role bilang sosyal na kontrabida.

Kuwento ni Cris, “I do love my role na kontrabida and siyempre sosyal, kasi iniisip din po nila na sa kaputian kong ito, paano naman ako magmumukhang otherwise.

“Pero I do like my role, it showcases another side of me kasi akala talaga ng mga tao bait-baitan ako ‘di ba?”

Bago sumabak sa telebisyon, pinasok na rin ni Cris ang paggawa ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Nag-indie film po ako, nag-Hari ng Tondo, nagka-best supporting actress po.

“It's weird, the transition to an actor was gradual, tapos nangyari na lang and masasabi ko na ini-enjoy ko talaga ang acting kasi more than singing. Nai-enjoy ko siya kasi marami pa akong nai-explore.

“Sana po makita talaga ng tao na hardworker po ako, at marunong po ako makisama sa mga tao at madali ako katrabaho.”

Marami ang nagsasabing hindi na kailangan ni Cris na magtrabaho pa dahil nagmula naman siya sa mayamang angkan.


Bukod sa pagiging apo ni Armida, si Cris ay apo rin ni Senator Juan Ponce Enrile. Siya rin ay pamangkin ni Direk Carlos Siguion-Reyna. Ang pamilya nila ang namamahala ng Reyna Films na gumagawa ng mga pelikula sa nakaraang tatlong dekada.

Pero, ayon kay Cris, hindi naman daw niya pera ang pera ng pamilya. Saad niya, “Alam mo naman po na maraming nagsasabi kasi my father, my mother and Reyna Films and Siguion-Reyna, a lot of people think na, ‘A, okay lang ‘yan,’ pero hindi ko naman po pera yun, sa kanila po yun.

“Any moment na puwede din po, knock on wood, na mawala din yun. Nakikita natin yun even in movies na may biglaan na lang nawawalan ng pera ang pamilya, so I really think… I believe in sariling sikap, this is I know what I’m good at and gusto ko talaga pahalagahan to and keep going.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN