Rochelle Pangilinan admits struggle of returning to acting after maternity leave

by Rose Garcia
Sep 5, 2019
Rochelle Pangilinan on returning to acting: "Actually, nanganay talaga ako dahil hirap na hirap akong magdrama. Siguro, dahil happy heart ako ngayon. Itong panahon na ‘to, sobrang happy ako. Kaya nahirapan talaga ako."
PHOTO/S: Rochelle Pangilinan Instagram

Balik-TV si Rochelle Pangilinan sa primetime series na pagbibidahan ni Alden Richards, ang The Gift, na mapanood sa GMA Telebabad simula sa September 16.

Walang yaya at hands-on si Rochelle sa six-month-old baby nila ni Arthur Solinap na si Shioloh Jayne.

Kaya na ba niyang iwan ang anak nang walang “sepanx”?

“Malakas naman ang support system ko.

"Like si Art, ang galing-galing mag-alaga kay Shiloh.

"Nakaka-proud kasi, perfect timing talaga lahat ng bagay,” pahayag ni Rochelle nang makapausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa opisina ng PPL Entertainment, Inc. last week.

Bago mag-taping ng The Gift, nakapag-guest muna ang actress-dancer sa drama anthology na Tadhana. Parang “nanganay” siyang muli.

“Yung Tadhana ang unang pagbabalik ko sa pag-arte.

"Actually, nanganay talaga ako dahil hirap na hirap akong magdrama.

"Siguro, dahil happy heart ako ngayon.

“Itong panahon na ‘to, sobrang happy ako. Kaya nahirapan talaga ako.

Continue reading below ↓

"Hugot na hugot. Yung hugot ko yata, sinisisi ko na si God.

“Ganun na kalala, ganun na kalalim ang ginawa ko!” natawang sabi ni Rochelle.

ROCHELLE BACK TO KONTRABIDA ROLE

Sa The Gift, balik-kontrabida ang karakter niya.

Bago ito, ang huli niyang teleserye ay ang Onanay kung saan gumanap siya bilang kaibigan ni Jo Berry.

Ngayon, magkaaway silang dalawa sa The Gift.

“Sabi ko sa kanya, 'Sasampalin kita.' Sabi niya, 'Wala namang ganun!'” natawang saad ni Rochelle.

Si Alden ay nakasama noon ni Rochelle sa teleseryeng Carmela noong 2014. Pero wala siyang matandaang naging eksena nilang dalawa.

BACK TO HER FORM

Marami ang ginulat ni Rochelle dahil ilang buwan pa lang pagkatapos niyang manganak ay naibalik niya agad ang kaseksihan.

Ito ay sa kabila ng ipinanganak niya ang baby nila ni Arthur sa pamamagitan ng ceasarean operation.

Continue reading below ↓

“Unti-unti lang, 'tapos tiis-tiis lang,” sabi ni Rochelle.

“Hindi ako puwedeng mag-diet kasi breastfeeding.

"Dati, dalawang cup of rice ang kinakain ko kasi in-enjoy ko naman talaga ang pagbubuntis ko.

“Two cups of rice ang kinakain ko, ngayon, ginawa ko na siyang half rice.

"Inunti-unti ko siya. Nag-walking, jogging ako at the same time every day.

“Ngayon, nagra-run na ko sa UP.

“Sabi nga ng O.B. ko, makikita mo sa labas, magaling na, pero sa loob, hindi pa ‘yan.”

Sa loob ng apat na buwan, nakapagbawas siya ng 20 pounds.

Pero kailangan pa rin niyang magbawas ng timbang dahil mas malaki siyang tingnan sa telebisyon.

Masaya si Rochelle nang malamang marami siyang na-inspire na mga nanay at kababaihan.

“Ano lang talaga, bawal talagang mainip at kailangan talaga ng disiplina. Yun talaga ang kailangan—bawal mainip, at disiplina.

“Biruin mo, ilang buwan kang kumain. At alam ko naman na maraming buntis na ine-enjoy ang pagbubuntis at isa ako roon.

Continue reading below ↓

“Halos isang taon akong nag-enjoy, so ano ba naman yung bumalik ka sa dati mo na healthy lifestyle?”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rochelle Pangilinan on returning to acting: "Actually, nanganay talaga ako dahil hirap na hirap akong magdrama. Siguro, dahil happy heart ako ngayon. Itong panahon na ‘to, sobrang happy ako. Kaya nahirapan talaga ako."
PHOTO/S: Rochelle Pangilinan Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results