Marian Rivera promises to collaborate again with husband Dingdong Dantes in Tadhana

by Rose Garcia
Sep 6, 2019
Marian Rivera: "Promise namin yun sa Tadhana na babalik at babalik kaming dalawa ni Dong. Kung hindi man siya ang magdidirek, e, kaming dalawa ang gaganap."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Naudlot ang pagsasama muli ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes para sa second anniversary ng Kapuso drama anthology na hinu-host ng aktres, ang Tadhana.

“Kaso ang problema, si Dong kasi, ang dami niyang ginagawa!” himutok ni Marian

“May Amazing Earth, StarStruck, and Descendants of the Sun, ang layo ng schedule nila.

“Hindi talaga magkaroon ng schedule na swak sa aming dalawa.

"Pero siyempre, promise namin yun sa Tadhana na babalik at babalik kaming dalawa ni Dong.

“Kung hindi man siya ang magdidirek, e, kaming dalawa ang gaganap,” saad ni Marian.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa mediacon ng Tadhana nitong September 5, Huwebes, sa GMA Network Center.

Naidirek na minsan ni Dingdong si Marian sa isang natatanging episode ng Tadhana.

Sakaling silang dalawa ni Dingdong ang gaganap sa isang episode ng Tadhana, gusto ni Marian na kakaibang kuwento ang gagawin nila.

Continue reading below ↓

“Yung killer ako, ganun!” natawa niyang sabi.

“Maiba lang, well, depende pa rin sa kuwento na ibibigay ng Tadhana. Para maiba naman.

"Kasi, palaging gumaganap na kawawa, so subukan natin na mas challenging.”

Matagal na rin ang huling pagtatambal nina Marian at Dingdong sa teleseryeng My Beloved noong 2012.

Saan mas nae-excite si Marian: yung kapareha niya ang asawa o direktor niya ito?

“Magkaiba ang pakiramdam nun, e,” sabi ng 35-year-old actress.

“Iba kasi kapag nagdidirek siya, iba rin kapag magkasama kaming dalawa.

"I think, both."

DESCENDANTS OF THE SUN

May mga nagre-request na si Marian ang maging Beauty/Dra. Kang na katambal ni Dingdong sa Descendants of the Sun.

Pero mukhang malabo itong mangyari.

“Ang hirap naman kasi dahil ang layo, Nueva Vizcaya ang location nila.

"'Tapos, two days straight wala silang uwian,” sambit ni Marian.

“So, paano, kakaladkarin ko si Ziggy sa taping? 'Tapos si Zia, nag-aaral, ako ang nahahatid-sundo sa anak ko."

Continue reading below ↓

Sina Zia at Ziggy ang dalawang anak nina Marian at Dingdong.

Sabi pa ng Kapuso Primetime Queen, “Tingnan natin, minsan kasi mahirap magsabi ng oo o hindi.

"Malay ninyo, magandang project din pala ang ibibigay sa akin ng GMA.

“Pero sabi ko nga, Tadhana, then Sunday PinaSaya next month.

"Baka after, may isang show pa akong gawin, then teleserye.”

So, hindi niya talaga makakayang gawin ang Descendants of the Sun?

“Sa ngayon, oo, hindi talaga,” nakangiting sabi ni Marian.

Sa September 7, Sabado, ang ikalawang taong anibersaryo ng GMA News & Public Affairs show na hinu-host ni Marian.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera: "Promise namin yun sa Tadhana na babalik at babalik kaming dalawa ni Dong. Kung hindi man siya ang magdidirek, e, kaming dalawa ang gaganap."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results