Marian Rivera asked to name GMA-7's next likely Primetime Queen

by Arniel C. Serato
Sep 6, 2019
Marian Rivera says she is willing to work with other stars outside of her home network.
PHOTO/S: Noel Orsal

Wala daw problema kay Marian Rivera na mag-crossover sa ibang bakuran upang makagawa ng isang proyekto dahil na rin sa success ng Hello, Love, Goodbye ng GMA-7 actor na si Alden Richards at ABS-CBN actress na si Kathryn Bernardo.

Nauna na nga rito, nakatawid na rin ang asawa niyang si Dingdong Dantes sa Star Cinema, ang film outfit ng ABS-CBN, upang gumawa ng pelikula.

Nakangiting kuwento ni Marian, “Puwede naman, hindi naman ano si Mother [Lily Monteverde]. Para namang dapat meron.

“Actually, dapat meron. Ang problema nabuntis ako.”

May horror film dapat na gawin si Marian dati sa labas ng GMA ngunit nabuntis siya kaya hindi daw ito natuloy.

Tuloy pa kaya ito? Sabi niya, “Tingnan natin, depende sa pulso.

“Kung masasabi ng management ko na, ‘A, may pulso pa,’ gawin natin.

“Kung wala, wala na.”

Si Marian ngayon ang tinaguriang Primetime Queen ng Kapuso Network sa mahabang panahon.

Continue reading below ↓

Sa tingin niya, kanino kaya niya maaring i-turn over ang titulo pagdating ng panahon?

Seryosong sagot ni Marian, “Ano ba kayo...ang Primetime Queen is just a title lang.

“Ang mahalaga niyan, ini-enjoy mo yung trabaho mo at alam mo yung nakakapagbigay inspirasyon ka.”

Hirit naman ng ibang press, bakit naman daw ipasa sa iba, e, marami naman daw titulo na puwedeng itawag sa kanila.

Pag-sang ayon niya, “May iba namang puwedeng pangalan.”

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang piling press si Marian sa media conference ng second anniversary ng Tadhana, kahapon, September 5.

Bukas September 7, ang unang episode sa month-long, two-part special anniversary nila na pinamagatang “Serial Killer.” Sa September 14 ang second part nito.

Sa September 21 and 28 naman ang ikalawang episode na may titulong “CEO Maid.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera says she is willing to work with other stars outside of her home network.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results