Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Marian Rivera: No more sexy roles now that she's a mother

by Rommel Gonzales
Sep 9, 2019
Marian Rivera says she can no longer do sexy roles now that she's a mother: "Ayokong mapanood nila na magiging ganun ako, so hindi ako handa sa ganun."
PHOTO/S: Noel Orsal

Nag-two-piece bathing suit si Anne Curtis sa pelikulang Just A Stranger, at ilang beses nakipag-love scene kay Marco Gumabao.

Kaya bang gawin iyon ni Marian Rivera sakaling may alok na similar role sa kanya?

“Hindi ko kaya,” mabilis na sagot ni Marian.

Siya ba mismo ang may ayaw o hindi siya papayagan ng mister niyang si Dingdong Dantes?

“Hindi ko kaya. Kasi siyempre, kanya-kanya 'yan, kanya-kanyang pagkatao 'yan.

"E, ako, medyo hindi ko kakayanin at ayoko rin siya gawin bilang dalawa yung anak ko.

“Na ayokong mapanood nila na magiging ganun ako, so hindi ako handa sa ganun.

“Siguro, dati na lang, kung dati siguro. Pero ngayon, hindi talaga,” nakangiting sambit ni Marian.

Si Anne ay wala pang anak, si Marian naman ay may dalawang napaka-cute na mga anak na sina Zia at Ziggy.

Kaya kahit kissing scene ay hindi raw kayang gawin ngayon ni Marian sa pelikula.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa presscon para sa kanyang pagbabalik sa Tadhana noong Huwebes, September 5, Huwebes, sa 17th floor ng GMA Network Center, Quezon City.

Continue reading below ↓

Sa Sabado, September 14, ay ipalalabas ang second part ng Tadhana episode na "Serial Killer" tampok si Rhian Ramos kasama sina Benjamin Alves, Juancho Trivino, Diva Montelaba, Analyn Barro, at Lara Morena.

Ang second episode na dalawang bahagi rin ay ang "CEO Maid" na pagbibidahan ni Lovi Poe.

Napapanood ang Tadhana tuwing Sabado nang 3:15 PM sa GMA.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera says she can no longer do sexy roles now that she's a mother: "Ayokong mapanood nila na magiging ganun ako, so hindi ako handa sa ganun."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results