The Clash judges are very proud of Golden Canedo

by Arniel C. Serato
Sep 10, 2019
Christian Bautista, Ai-Ai delas Alas and Lani Misalucha happy for Golden Canedo, the first Ultimate Clasher of The Clash.
PHOTO/S: Noel Orsal

Excited na ang mga judges ng The Clash Season 2 na sina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Ai-Ai delas Alas sa pag-ere muli ng GMA-7 show simula September 21.

Excited silang ma-meet na ang mga bagong Clashers na mula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas pati na sa ibang bansa.

Ngunit bago pa man nito, nagyahag ang tatlo ng kanilang pagiging proud sa unang Ultimate Clasher sa Season 1 na si Golden Canedo.

Si Golden ay bahagi na ngayon ng Studio 7.

Ayon pa kay Lani, “Siyempre, yun yung ikinatutuwa namin kasi yun naman dapat ang gusto naming mangyari sa kanila which is after this competition, we’ve been looking forward to them for an album, song.”

Sabi naman ni Ai-Ai, “Career, maganda yun, e, kasi napatunayan nila na itong show na ito, merong magandang magagawa para sa mga batang ito.”

Ayon naman kay Christian, kahit naman daw ang nasa Top 10 ng show noong unang season ay may kanya-kanya na ring career.

Continue reading below ↓

Katulad na lamang sa unang all-female quartet ang GMA Artist Center, ang XOXO na binubuo nina Riel Lomadilla, Dani Ozaraga, Lyra Micolob, at Mel Caluag.

Dagdag pa ni Christian, “Kahit naman hindi lang si Golden, yung mga nasa Top 10 lang, nagkaroon ng soap, trabaho, may girl group na ngayon.”

Ang bagong Clash Masters ng show ay sina Julia Anne San Jose at Rayver Cruz at ang journey host naman ay sina Ken Chan at Rita Daniela.

Si Regine Velasquez ang original host ng The Clash ngunit lumipat ito ng ABS-CBN ilang araw pagkatapos umere ang first season.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christian Bautista, Ai-Ai delas Alas and Lani Misalucha happy for Golden Canedo, the first Ultimate Clasher of The Clash.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results