Juancho Trivino gets intimidated by Madrasta co-star Gladys Reyes

by Rommel Gonzales
Sep 10, 2019
Juancho Trivino on Gladys Reyes: “Nakaka-intimidate pa rin siya siyempre, pero dahil may chemistry na kami, mas kumportable na ako sa kanya."

Pagkatapos ng telefantasyang Magkaibang Mundo (2016) kung saan gumanap siya bilang isang duwende, bidang muli si Juancho Trivino sa GMA-7 drama series na Madrasta kung saan leading lady niya si Arra San Agustin.

Unang pagtatambal ito nina Juancho at Arra.

“Si Arra, she’s very surprising!

“Kasi pag nakilala mo si Arra in person, malayo yung personality niya, yung parang siyempre mahinhin lang siya... Palagi akong nasu-surprise kung gaano kalaki ang kaya niyang ibigay sa pag-arte.

“So it’s surprising for me and she’s doing a good job. I’m sure, marami siyang magugulat dito na mga tao.”

Kontrabida sa Madrasta si Thea Tolentino. May bago ba siyang nadiskubre kay Thea?

Ani Juancho, “Wala naman. Thea has been the same naman ever since. Her talent is continuously growing.

“Siyempre, magkasama kami nung first show namin together, yung Teen Gen. And then pagkatapos nun, yung The Half Sisters, Asawa Ko, Karibal Ko, and then itong Madrasta.

Continue reading below ↓

“Palagi akong napapahanga kay Thea, kung papaano niya dinadala yung sarili niya.

“Same with Arra, kapag nakilala niyo si Thea saka si Arra in person, parehas silang mahinhin, parang hindi makakabasag-pinggan, pero kapag umarte na, ayan na, matatameme kayo!”

Gaganap na ina ni Juancho (as Dr. Sean Ledesma) sa Madrasta si Gladys Reyes (bilang Dra. Elizabeth Ledesma). Paano siya sumasabay sa husay ni Gladys sa aktingan?

“Si Ate Gladys is, well, I’ve worked with her a lot na. Maraming teleserye na kaming magkasama.

“Nakaka-intimidate pa rin siya siyempre, pero dahil may chemistry na kami, mas kumportable na ako sa kanya.

“Ganun naman ang kailangan kapag sa mga eksena, e. You just, you know, papakiramdaman mo yung kabatuhan mo ng dialogue.

“And sumasabay ako kay Ate Gladys nang suwabe naman.

“I’ve also been a part of a lot of workshops that kind of prepared me for what I’m doing right now.

Continue reading below ↓

“So siguro naman, maganda naman yung product namin,” wika pa ni Juancho na nakausap namin sa taping ng Madrasta noong September 2, Lunes sa Sitio Elena Events Place sa Ortigas Extension, Cainta, Rizal.

Sa Madrasta ay unang pagkakataon na gaganap si Juancho bilang tatay. Walang asawa at anak sa tunay na buhay si Juancho. Paano siya naghanda sa papel ng pagiging isang ama?

“I don’t think it’s something that you can prepare for. Pero siyempre kami, ang ginagawa namin, pinapakiramdaman namin kung ano yung nararamdaman namin at this moment.

“Siyempre ang trabaho namin is to believe that this is really happening to us in real life. I may not know the real feeling of it pero siyempre, may mga parallel na feeling naman diyan, e.

“Like ako, may mga pamangkin ako, I take care of children also.”

Marunong mag-alaga ng bata si Juancho dahil sa mga pamangkin niya sa pinsan.
“Yung mga laru-laro lang,” at tumawa si Juancho.

Continue reading below ↓

Hindi pa masyadong marunong magkalong ng bata si Juancho.

“Pero buti na lang, yung mga anak namin dito sa Madrasta, medyo malaki na.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Juancho Trivino on Gladys Reyes: “Nakaka-intimidate pa rin siya siyempre, pero dahil may chemistry na kami, mas kumportable na ako sa kanya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results