Judy Ann Santos admits shortcomings in online cooking show

by Rommel Gonzales
Sep 10, 2019

Masaya si Judy Ann Santos-Agoncillo dahil season 15 na ang online cooking show niyang Judy Ann’s Kitchen.

“Hindi ako makapaniwala na season 15 na kami! “Siyempre, masaya kasi hindi naman namin ine-expect na it will come this far, di ba?

“Pero kasi, mabilis din talaga yung bilangan natin ng season, di ba? Yung iba kasi, yung per season, one to thirteen episodes. Tayo, per shoot na ginagawa natin, isang season na yun.

“Simply because it’s easier for us to monitor, easier for me to create dishes based sa season,” sabi ni Judy Ann.

Ano na ang learnings ni Judy Ann sa journey niya sa Judy Ann’s Kitchen (JAK)?

“Iba-iba! Kasi, nagba-vary yung gusto ng mga tao, e. Nung una, iniisip ko, baka dapat makinig ako sa suggestions nila, sa comments nila. And then I realized, hindi ako ganung magluto, e.

Continue reading below ↓

“Nagluluto ako base kung ano yung feel ko, anong kundisyon ko.

“Learnings, basically is hindi lahat talaga masusundan yung paano ako magluto.

“Yung mga unang seasons kasi, three at a time, four at a time, ganun kasi akong magluto.

“And then eventually, kina-cut down ko na para masundan lagi ng mga tao. And then natutuwa ako.

“Natutuwa ako. Ang hindi ko in-expect, yung reactions ng mga tao kapagka may mga nagpapadala ng messages sa amin na how much JAK helped them sa anxiety nila, sa mga thesis nila, kung paano silang tawang-tawa, kahit hindi sila nagluluto, nanonood sila ng JAK. Parang it became a Saturday habit for them already.

“Iyon yung hindi ko in-expect talaga na… kasi, nung ginawa naman namin yung JAK, basically gusto ko lang mag-inspire ng tao, na lahat naman, nagkakamali sa pagluluto.

“Kahit seasoned chefs, nagkakamali sa pagluluto. And it’s okay, kasi dun ka matututo, e. Kung ano yung ia-adjust mo, ano yung idadagdag mo, kung ano yung gusto mo pang i-explore na lasa.

Continue reading below ↓

“Lahat naman siya, natututunan sa mistakes na magagawa mo along the way.

“Ngayon, pag inulit mo yung mali na yun, teka muna, baka may mali na talaga sa ‘yo,” at tumawa si Judy Ann.

Nakapanayam namin ang Queen of Pinoy Soap Opera noong September 7, Sabado sa Batangas, sa shoot ng Judy Ann’s Kitchen.

May paborito ba siyang episode ng Judy Ann’s Kitchen?

“Marami, e! Yung recent, yung fried chicken, na nagulat ako nag-reach agad ng 2.4 million views! Wow!

“Iyon yung My Other Fried Chicken. Yung una kasi, Buttermilk Fried Chicken, tapos naglabas ako ng recipe na simplified version pero kasinsarap.

“Marami ang naka-appreciate, kasi simple lang talaga siyang gawin, e.

“Isa yun, plus, mga pag Pinoy dishes, madali akong nakakagawa.

“Gusto ko yung halimbawa, may makakainan ako, then maiisip ko, parang puwedeng ganito. Pag ginawa ko sa JAK, tawid naman!”

Continue reading below ↓

May recipe o episode ba siya na nahirapan siyang itawid?

“Depende sa ano, e, depende sa kundisyon ko.

“Minsan, may episode ako na hindi namin natapos ang shoots. Iyung episodes kasi, hindi talaga maganda yung pakiramdam ng katawan ko.

“Luckily, Seabiscuit is kind enough to extend yung... ano kaya ang taping natin ngayon, six episodes, kasi dalawang episodes ang hindi natin na-shoot nung nakaraan.”

Ang Seabiscuit ang production team na nagsu-shoot ng Judy Ann’s Kitchen.

“So, yung mga ganun, it means a lot. Kasi kung minsan, pressured ka ring gumawa ng episode. Kasi, may mga sponsors na pumapasok pero siyempre, blessing yun.

“And you want siyempre to please your sponsors, na mabigay mo yung hinahanap nila at kailangan nila without sacrificing yung content and authenticity ng Judy Ann’s Kitchen.

“Yung mga ganun. Natsa-challenge ako at times pero kung minsan, naiisip ko, sa paanong paraan ko pa ba ito puwedeng i-present?

Continue reading below ↓

“Pero yun nga, nagpu-flow lang siya e, pag dumarating na yung shoot, wala naman tayong script, wala naman akong sinusundan kundi kung ano yung recipes na gagawin ko.

“Basta nagpu-flow na lang naman kung ano yung mga sasabihin ko.

“So, siguro iyon yung magic ng kusina namin dito sa Batangas.”

Ang Judy Ann’s Kitchen ay napapanood tuwing Sabado nang 10:30 AM sa Facebook page at YouTube channel na Judy Ann’s Kitchen. Malapit na ring mapanood ang comeback teleserye ni Judy Ann, ang Starla sa ABS-CBN.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results