Baron Geisler booted out of "Pinoy Big Brother" house


Young actor Baron Geisler was kicked out from the Pinoy Big Brother house last Wednesday, December 26, after displaying outrageous behavior during the celebrity housemates' Christmas party.



Sa ikalawang pagkakataon ay pinatalsik ang young actor na si Baron Geisler sa Pinoy Big Brother (PBB) house noong Miyerkules, December 26, isang araw pagkatapos ng Christmas party ng mga natitirang celebrity housemates. Kung noong una ay pinagbigyan siyang makabalik sa loob ng Bahay Ni Kuya, sa pagkakataong ito ay mismong si Kuya na ang nagpaalis kay Baron.

Ang naging final straw para sa pagpapaalis kay Baron sa loob ng Bahay ni Kuya ay nang malasing na naman siya sa Christmas party ng celebrity housemates. Mahigpit na kasing pinagbawalan ni Kuya ang young actor na uminom ng kahit na anong alcoholic beverage sa loob ng PBB house, pero sinuway pa rin niya ito.

Nakilala si Baron, nakababatanag kapatid ng taekwondo champion na si Donnie Geisler na naging housemate din, dahil sa kanyang kakaibang behavior, na nagiging bayolente kung minsan, kapag nasa impluwensiya siya ng alak. Dahil nga sa kanyang pagkahilig sa alak ay nabalitang ipinasok siya sa isang rehabilitation center, pero pinabulaanan ito noon ni Baron.

Dalawang linggo bago siya mapatalsik sa Bahay ni Kuya, ipinakita ni Baron ang kanyang kakaibang pagkatao pagkatapos makipag-inuman sa kanyang kapwa housemates. Nariyang sumigaw siya nang sumigaw, magsuot ng underwear sa kanyang ulo, at kumilos na nakakabastos na sa female housemates.

Bukod dito, paulit-ulit din siyang gumamit ng foul words laban kay Kuya sa loob ng confessional room.

Pagkatapos ipakita kay Baron ang ilang footage ng kanyang nakakahiyang kilos kapag nalalasing siya, nangako ang young actor na hindi na siya iinom ulit kapag pinatawad siya at bigyan ng isa pang pagkakataon.

Binigyan siya ulit ng pagkakataon ni Kuya, pero muli ngang sinuway ni Baron ang kanyang pangako noong Christmas party ng celebrity housemates, kung saan uminom siya ng ilang beers at inulit na naman niya ang kanyang wild antics gaya ng paghuhubad. May mga pagkakataon din na inilayo ng ibang housemates ang mga kutsilyo at iba pang matutulis na bagay na malapit kay Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging verbally abusive din si Baron sa ibang housemates at nagbanta pa siyang saktan ang model na si Will Devaughn.

Nang ipatawag siya ni Kuya sa confession room, kung anu-anong mga salita ang lumabas sa bibig ni Baron laban kay Kuya at may pagkakataon din na inilagay niya ang mikropono sa loob ng kanyang bibig. Labas-masok din siya sa confession room habang naninigarilyo at tinatanggal ang sinturon at butones ng kanyang pantalon.

Dahil sa naging asal na ito ni Baron ay nagdesisyon si Kuya na patawan siya ng forced eviction. Umalis ng Bahay ni Kuya ang dating child actor noong Miyerkules ng hapon.

BARON'S HISTORY. Bago pa man pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya si Baron ay sunud-sunod ang paglabas ng mga balita tungkol sa pagkakasangkot ni Baron sa mga gulo dahil sa sobrang kalasingan.

Noong 2005, na-involve din si Baron sa isang traffic accident nang bumangga ang kanyang sasakyan sa isang kotse sa kahabaan ng Commonwealth Road sa Quezon City. Sa police station, naging verbally abusive diumano si Baron laban sa mga pulis at sa biktima.

Napatunayan later on na lasing na lasing si Baron at ang kanyang kasama ang nagmamaneho ng sasakyan nang mangyari ang aksidente.

Pagkatapos nito ay nag-issue ng official statement ang Star Magic, na namamahala ng career noon ni Baron, para humingi ng paumanhin sa nangyari.

Noong April ng taong kasalukuyan naman ay nabalitang nalasing si Baron sa isang bar at naghubad. Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), inamin ni Baron na uminom siya, pero itinanggi niya na naghubad siya.

"Tao lang ako, ‘pag nakainom, naa-out of control. Pero not naman to the point na sa sobrang lasing ko ay nagsayaw ako at naghubad. Exaggerated na ang mga lumabas na mga balita. Wala namang ganung nangyari," sabi ni Baron sa PEP.

Nang sumunod na buwan (May), ay kumalat ang balita na nasobrahan na naman ng inom sa isang shower party sa isang hotel si Baron at naghubad na naman. This time, inamin ni Baron na naghubad nga siya, pero itinanggi naman niyang nalasing siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Baron sa interview niya sa PEP, "Oo, nakainom ako noon, pero hindi ako lasing. Hindi totoong lasing na lasing ako... Inaamin ko ‘yong lumabas na kuwento na naghubad ako. Totoo ‘yon, naghubad talaga ako. Pero katuwaan lang ‘yon, stripping lang namin nung mga nasa party... Everything I did sa party na ‘yon, katuwaan lang at ipinagawa lang nila sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN