StarStruck winner Kim de Leon on loyalty to GMA-7: "Wag gayahin yung mga lumipat."

by Rose Garcia
Sep 20, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Itinanghal na winners sina Kim de Leon at Shayne Sava sa StarStruck 7 noong Setyembre 15, 2019 sa GMA Annex Building sa Quezon City.

Nagkamit sila ng tig-PHP5M worth na network contract sa GMA-7, PHP1 million cash, at house and lot from Camella Homes.

Sa tanong kung ano ang una niyang bibilhin sa PHP1 million niya, pamilya pa rin ang isinaalang-alang ni Kim.

“Para po sa pamilya ko at puhunan po para sa pag-start ko po rito sa showbiz. At siguro po, ipapaayos ko ang bahay sa Batangas,” sabi ni Kim.

“Para rin po sa mga pambayad sa utang.”

Kung hindi siya nakapasok sa StarStruck, plano na sana nilang pamilya na ibenta ang bahay nila para maipambayad sa mga utang nila.

Emosyonal si Kim nang ilahad niya, “Ipapaayos ko po ang bahay sa Batangas. Ayaw ko po talagang ibenta, pero para po sana sa mga pambayad sa utang, sa gastos po sa paglipat ko rito sa Manila, sa paglipat sa maliit na dorm.

Continue reading below ↓

“Yung bahay na po yun, sobrang importante po sa akin. Doon kami nagsimula, sa maliit na bahay. Hiram pa lang ang lupa noon.

“Gusto ko talagang i-keep yung bahay na yun.”

Sobra ang pasasalamat ni Kim sa mentor niyang si Mark Herras.

“Si Kuya Mark po, noong hindi pa nag-a-announce, sinasabi niya sa akin, ‘Ready ka na ba sa next chapter ng buhay mo?’ Sabi ko, ‘Reding-ready na po ako, Kuya Mark.’

“Tapos, noong na-announce, sabi niya sa akin, ipagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Si Kuya Mark po, napakabait. Siya ang gusto kong tularan.”

Nang makausap namin si Kim bago ang StarStruck 7 finals noong Linggo nang gabi, tinanong namin siya kung sino kina Shayne at Lexi Gonzales ang gusto niyang maka-loveteam.

Si Lexi ang pinili niya. Si Shayne naman, si Allen Ansay.

Ngayong sila ang nanalong Ultimate Survivors, hindi ang choices nila ang nanalo.

Continue reading below ↓

Natatawang sagot ni Kim, “Dito po sa StarStruck, ang dami na rin po naming pinagdaanan. Ang dami pong nai-pair.

“Siguro, kung sino man po ang i-pair sa amin, handa po kami.”

Ngayong siya ang tinanghal na Ultimate Male Survivor, masasabi niya bang magiging loyal Kapuso siya?

“Well, sabi nga po ni Allen, 'wag nga raw pong gayahin yung mga lumipat,” natatawang sabi ni Kim.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results