Mariko Ledesma reveals reason for backing out of Tawag ng Tanghalan grand finals

by Arniel C. Serato
Sep 21, 2019
Mariko Ledesma, a Tawag ng Tanghalan grand finalist, bows out of the competition due to harsh bashing: "Sana po itigil nyo na po ang pang na bash kc tao po kami nasasaktan at hindi nyo po alam kung anong epekto nito sa taong bina bash nyo. Naway maging malawak po sana ang isip naging lahat na sa isang kompetisyon May mananalo at may matatalo."
PHOTO/S: Courtesy: @tawagngtanghalan on Instagram

Umatras sa grand finals ng Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime si Mariko Ledesma.

Inanunsiyo ni Vice Ganda sa live broadcast ng programa kaninang tanghali, September 21, ang hindi na pagtuloy ni Mariko sa grand finals na magaganap sa susunod na linggo.

Hindi sinabi ni Vice ang dahilan ng pag-back out ng aspiring singer.

Kinahapunan, si Mariko na mismo ang nag-anunsiyo ng dahilan ng kanyang pag-atras sa kumpetisyon sa pamamagitan ng Facebook.

Matinding bashing daw na nauwi sa depresyon ang kanyang pinagdaanan simula nang maagaw niya ang Seat of Power sa isa pang contestant na si Mariane Osabel noong September 11 ang pinakadahilan ng kanyang pag-back out.

Sabi ni Mariko [published as is], “Hindi ko po alam pano ko Ito uumpisahan.

“Pero una sa lahat nag papasalamat ko sa Mga taong nagtiwala nagmahal at nagbigay sken suporta.

“Hindi madali sa akin ang pag quit ko sa tnt pero mas mahihirapan po ako kung ipagpapatuloy ko pa ang laban kung ay nag sa suffer sa depression ..

Continue reading below ↓

“Opo “ Depression po.. after po ng Laban ko kay mariane samut saring pangbabatikos po ang inabot ko at masyadong personal po ang pangba bash na inabot ko.

“Mula pm, dm at dumating pa

Sa point na may txt pa.

“Sana po itigil nyo na po ang pang na bash kc tao po kami nasasaktan at hindi nyo po alam kung anong epekto nito sa taong bina bash nyo.

“Naway maging malawak po sana ang isip naging lahat na sa isang kompetisyon May mananalo at may matatalo.

“Sana patuloy nyo paring suportahan ang mga grand finalists ng TNT dahil po sila ay deserve sa kinalalagyan nila.

“Salamat po sa showtime sa buong puso nilang pagtangap sa aking disisyon.

“Tatanawin ko pong malaking utang na loob Ito. Godbless us all

“Ako po si Mariko... Tao po Ako...”

Continue reading below ↓

DISAPPOINTED NETIZENS

Matatandaang binatikos nang husto ng netizens ang naging resulta sa laban sa pagitan nina Mariko at Marianne sa “Tawag ng Tanghalan” (TNT) Ultimate Resbak noong September 11.

Hindi daw naging parehas ang mga hurado sa dalawang contestants.

Sinabihan pa nilang “cooking show” daw ang ABS-CBN contest.

Niresbakan naman sila ng isa sa mga hurado na si K Brosas.

Ayon sa tweet ni K, “Daming hanas pag mataas ang TXT VOTES.. chika pa kayo na dapat mas mataas percent ng hurados scores..

“PERO hanas pa din pag Natalo dahil mas mataas ang hurados scores kesa txt votes? Eh ganon po talaga.. At tandaan madaming sikat ngayon na Di naman nag grand winner. Peace! [smile and peace emojis]”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mariko Ledesma, a Tawag ng Tanghalan grand finalist, bows out of the competition due to harsh bashing: "Sana po itigil nyo na po ang pang na bash kc tao po kami nasasaktan at hindi nyo po alam kung anong epekto nito sa taong bina bash nyo. Naway maging malawak po sana ang isip naging lahat na sa isang kompetisyon May mananalo at may matatalo."
PHOTO/S: Courtesy: @tawagngtanghalan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results