Yasmien Kurdi happy about ratings of GMA-7 primetime show Beautiful Justice

by Rommel Gonzales
Sep 25, 2019
Yasmien Kurdi says people recognize her as her character Alice in the GMA-7 primetime show Beautiful Justice.

Masaya si Yasmien Kurdi sa ratings ng GMA-7 primetime series niyang Beautiful Justice na nasa pangatlong linggo na.

“Ano kami, like, pataas yung ratings tapos very promising, ang ganda ng feedback ng mga tao and we’re very happy sa outcome,” nakangiting lahad ni Yasmien.

Ang katapat ng kanilang Kapuso teleserye ay ang ABS-CBN show na Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Pagpapatuloy ni Yasmien, “Tapos parang... eto yung, parang na-inspire ako ulit na mag-work, alam mo yun? Dahil nakikita ko yung mga comments nila and yung mga reviews nila, na magaganda lahat.

“Tapos, pag lumalabas kami, alam na nila yung mga names namin like ako, Alice na ang tawag sa akin. Okay siya, maganda siya.”

Nakakuwentuhan namin si Yasmien sa set ng Beautiful Justice noong September 20 sa Felicidad Mansion Events Place sa Roosevelt Avenue, Quezon City.

“Masaya, nakakatuwa,” ang bulalas naman ni Yasmien tungkol sa guesting ni Lovi Poe sa show nila.

Continue reading below ↓

Medyo on the lighter side of things ang guesting ni Lovi sa Beautiful Justice bilang siya mismo, ang artistang si Lovi Poe.

Paliwanag ni Yasmien, “Kasi, masyado ring heavy ang tema ng show namin, to the point na kapag ganitong may pumapasok na medyo light na comedy, parang nakaka-balance siya sa palabas namin.

“Maganda siya.”

Nabanggit namin kay Yasmien ang natuklasan ng Beautiful Justice co-star nilang si Victor Neri na may drug rehabilitation center para sa mga batang edad lima hanggang siyam.

Si Yasmien, bilang isang ina ng anak na babaeng anim na taong gulang, gaano siya natatakot sa drug situation sa Pilipinas?

“Ako, protective ako sa anak ko!

“Kasi lalo na sa social media, lalo na yung mga games? Minsan, may nakikipag-usap na stranger. Yung mga ganun lang, kasi natatakot ako sa alam mo yun, sa safety ng anak ko.

“Kaya sinasabihan ko siya, na huwag magbibigay ng information, huwag basta makikipag-chat kapag hindi kilala.”

Continue reading below ↓

Ipinapakita sa Beautiful Justice ang sitwasyon ng illegal drugs sa bansa.

“Nakakagulo siya sa society, hindi siya maganda.”

Ano ang payo ni Yasmien sa teenagers para makaiwas sa droga?

“Sa mga teenagers, choose your friends. Yung peer pressure, nangyayari yan pero choose your friends and, at the same time, maghanap ka ng ibang activities na will make you busy and safe.

“Na kunyari, pag-busy-hin mo ang sarili mo sa music or sports, or something else, hindi drugs!”

YASMIEN ON STARSTRUCK 7 WINNERS

Dahil First Princess si Yasmien sa pinakaunang season ng StarStruck, hiningan namin siya ng reaksyon sa bagong batch, ang Season 7 winners na sina Shayne Sava (Ultimate Female Survivor) at Kim de Leon (Ultimate Male Survivor).

First Princess naman sa naturang artista-search ng GMA si Lexi Gonzales at First Prince si Allen Unsay.

“Siyempre, happy ako, happy ako for Shayne, for Lexi, for Kim, for Allen.

Continue reading below ↓

“Alam mo, lahat naman sila, winners. Lahat sila, winners na, basta makabilang ka sa Final 4.

“They’re all survivors and they’re all winners.

“Iyon yung pinakamahalaga. And yung dapat ngayon, magtulungan sila with their batchmates para solid sila. Tulad namin, ng batch 1.”

Nakikita ba niya ang sarili niya kay Lexi?

“Oo, nakikita ko! Bilang First Princess din siya. Pero sabi ko nga, ako, nung pumasok ako sa Final 4, parang winner na rin.

“Kasi, yung batch namin mismo, yung Batch 1 and yung StarStruck mismo, is a success.

“Yung show mismo is a success. So, parang na-feel ko na lahat kami, winners!

“Makapasok ka lang sa top 14, winner ka na.”

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yasmien Kurdi says people recognize her as her character Alice in the GMA-7 primetime show Beautiful Justice.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results