Bimby does not want mom Kris Aquino to have another boyfriend

Kris Aquino reveals that her son Bimby does not want her to have another boyfriend. According to Kris, Bimby said: "I don’t want her to hurt again so, I don’t want her to be in a relationship."



Ayon kay Kris Aquino, ayaw ng kanyang anak na si Bimby nang magkaroon siya ng isa pang boyfriend matapos ng mga pinagdaanan nito sa pag-ibig.

Noong Linggo, October 12, nagkuwento si Kris sa The Buzz tungkol sa pananaw ni Bimby tungkol sa pagkakaroon ng karelasyon ng kanyang mga magulang.

Ang isa sa mga video interviews na ipinakita ay ang naging panayam kay Matteo Guidicelli tungkol sa mga limitasyon ng relasyon nila ni Sarah Geronimo na diumano’y ayon sa paniniwala ng mga magulang ni Sarah.

Sa P.O.V. (Points, Opinions, Violent Reactions) segment, pinag-usapan at nagbigay ng mga opinyon nila rito ang The Buzz hosts na sina Kris at Boy Abunda.

Naalala ni Kris noong bata pa siya at pinaaalahanan daw siya ng kanyang mga ina, ang dating Pangulo ng Pilipinas na si Corazon Aquino.

Ayon kay Kris, “Okay, noong dati ako yung anak, feeling ko, too much ang pangengealam. Ngayong ako yung magulang, kulang!

Natatawang dugtong pa niya, “I’m allowed. Yung ano talaga and I think, feeling mo and kailangan lang na maparamdam mo na you’re the person talaga who loves your child the most.”

Sabi naman ni Boy, “Ako, importante sa akin palagi ang pag-uusap ng mga magulang at mga anak. It’s important that parents should listen. Kasi, meron tayong pananaw na invisible. Dati ha—at least in my generation—invisible ang mga bata.

“You’re supposed to be there, but you’re not supposed to talk.

“Totoo ‘yan Krissy, pero ngayon hindi po.”

Napa-“Oh my god, hindi," si Kris bilang pagsang-ayon kay Boy.

Noong umaga raw ng Linggo, may nag-iimbita kay Kris na maging ninang sa kasal at tinanong daw ng mga ito ang anak niya na si Bimby.

Kuwento ni Kris, “They we’re asking Bimb, so are you gonna let your Mama have a boyfriend?

“'No!' They said, 'Why Bimb? I thought it’s okay?'

And then Bimb said, 'No, because I want to spare her from another heartbreak.'

"Sabi niya, 'I don’t want her to hurt again so, I don’t want her to be in a relationship.'

"Sabi ko, Bimb, automatic mahe-hurt agad dahil nakipag-relationship?

“Sabi niya, 'Yeah Mama, how many break-ups have

you had?'

“Aray! Ouch! So, sabi ko, ouch,” natatawang sabi ng TV host-actress.

Dugtong pa ni Kris, “Seven, seven [years old] pa lang. Pero, ganun talaga. Kailangan nakikinig ka sa kanila. Kasi, when you listen to your kid, they will also listen to you, ‘di ba? Reciprocal.”

Naikuwento rin ni Kris na tinanong din daw niya minsan si Bimby kung bakit ang Papa nito, si James Yap, ay puwedeng magkaroon ng girlfriend, pero siya ay hindi.

Ang naging sagot daw ni Bimby, “'Because she’s a girl, Mama.

“And I’m a boy, I will stay with you and I will hug you and kiss you anyway.'

Pakiwari ni Kris, "I think, may selos. Ang girlfriend matatanggap niya kasi nga siguro, babae yun. A new man mahirap tanggapin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN