Watch Now

Judy Ann Santos on portraying a villainous role: “Masarap din palang mang-api paminsan-minsan!”

by Rommel Gonzales
Sep 26, 2019

Malapit nang mapanood ang comeback teleserye ni Judy Ann Santos, ang Starla sa ABS-CBN.

Ang Starla ang papalit sa primetime slot ng The General’s Daughter simula October 7.

Ano ang aabangan ng publiko sa Starla?

“I think it’s because it’s been a while bago nagkaroon ng primetime na pambata, it’s refreshing to see a different genre sa teleserye na basically, it’s really for the kids.

“To realize that you know, do not lose hope in wishing, do not lose hope in praying.

“It’s for you to have faith in the people around you, to understand the people around you.

“Sa akin, magugulat lang siguro sila na 360-degree turn talaga yung character ko rito.

“Hindi siya yung api-apihan na naka-duster na ano, na ganyan.

“Na-enjoy ko naman yung character, hindi ko naiisip na ganito pala, at some point nae-enjoy ko yung pagiging kontrabida.

“Masaya rin palang mang-api paminsan-minsan,” at tumawa si Judy Ann. Ang karakter niya sa Starla ay si Teresa Dichaves na isang mayamang businesswoman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pelikula naman ay lead female actress si Judy Ann sa pelikulang Mindanao na directed by Brillante Mendoza. Magkakaroon ito ng world premiere sa 24th Busan International Film Festival sa South Korea ngayong Oktubre.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Queen of Pinoy Soap Opera sa San Juan, Batangas, sa set ng shoot ng Judy Ann’s Kitchen noong September 14, Sabado.

Bukod sa Judy Ann’s Kitchen, mayroon ding araw kada buwan na ang mapapanood ay ang Judy Ann’s Kitchen Facebook Live.

Dito ay real time na nakakausap at nakakatsikahan si Judy Ann ng kanyang fans, supporters and followers sa buong mundo sa pamamagitan ng FB Live ng online cooking show ni Judy Ann.

“Mas relaxed kasi siyempre wala akong ginagawang pagluluto,” at natawa ang aktres.

“But ina-anticipate ko yung mga puwede nilang itanong, ina-anticipate ko kung ano pa yung mga puwede nilang i-suggest.

“And nakakatuwa, kasi may mga nag-aabang from different parts of the world! Na iba-ibang timezones na nag-aabang dun sa Facebook Live.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natanong namin si Judy Ann kung ano ang pinaka-weird o pinakanakakaaliw na mensahe na natanggap niya habang nagla-live siya sa Facebook…

“Pengeng iPhone,” ang tumatawang bulalas ni Judy Ann. “Pengeng iPhone, oo! Pero I’m sure, ano siya, nangungulit lang. Sabi ko, ‘Hindi po ako tindahan ng cellphone. Hindi po ako galing sa isang telecommunications company na namimigay ng iPhone,’” ang tumatawa pa ring kuwento ng aktres.

Hindi raw lahat ng katanungan ay tungkol sa pagluluto.

"Minsan, yung iba nagtatanong about kung ano ang puwede nilang kainin, kasi may ganito silang sakit, may ganito silang parang ganyan. May mga ganun.

“Siyempre, kailangang i-research ko muna bago ako sumagot, e, hindi naman ako doktor para magbigay na lang basta kung ano yung akala kong puwede, di ba, tapos biglang mas makukumpormiso pa yung kundisyon nila dahil lang sa sinabi ko.

“Pero natututo ako, andami kong natututunan. Kasi, pag nagtanong ako na, ‘Ano pa yung puwede ninyong i-suggest sa ganitong klaseng dish?’— pag binasa ko yung comments, kanya-kanya sila ng suggestions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May kanya-kanya talagang take ang bawat taong nagluluto sa bawat pagkain.”

Ang Judy Ann’s Kitchen ay napapanood tuwing Sabado, 10:30 AM sa Facebook page at YouTube channel na Judy Ann’s Kitchen.

Bukod sa pagiging aktres at host ng kanyang online cooking show, si Judy Ann rin ang chef ng Angrydobo restaurant (sa tapat ng De La Salle University sa Taft Avenue), na pag-aari nila ng mister niyang si Ryan Agoncillo at kapatid ni Ryan na si Dondee Agoncillo at misis ni Dondee na si Maloo.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results