Barbie Imperial recalls being removed from GirlTrends

by Julie E. Bonifacio
Sep 27, 2019
Barbie Imperial is paired with Paulo Angeles and Taiwanese actor Stephen Rong in the iWant series titled Taiwan That You Love.
PHOTO/S: Noel Orsal

Bibidang muli si Barbie Imperial sa bagong digital series ng iWant na pinamagatang Taiwan That You Love.

Unang ipinakilala si Barbie bilang isa sa lead actress ng ABS-CBN teleserye nila ni JM de Guzman, ang Araw Gabi. At ngayon, isa na siya sa most-in-demand Kapamilya stars.

Ani Barbie, “Well, ano po, ako naman po before hindi ko po talaga...parang tinatanggap ko na lang.

“Like before po, nung GirlTrends po ako, na natanggal po ako, sobrang lungkot ko kasi parang...dati, nung PBB [Pinoy Big Brother 737] po ako, ako yung unang natanggal.

“Tapos nung GirlTrends din po ako, ako yung unang natanggal,” pagbabalik-tanaw ni Barbie.

Ang GirlTrends ay girl group sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Pagpapatuloy ni Barbie, “So, parang natanggap ko na siya na, baka eto lang talaga, pang-support lang po talaga ako, parang ganoon.

“So, tanggap ko na siya...Hanggang sa, after naman po nung paglabas ko ng PBB, after ng GirlTrends, hindi rin naman po talaga nawawalan ng projects.

Continue reading below ↓

“Nag-start po ako ng Langit Lupa. Tapos hanggang sa nag-Ipaglaban Mo po ako. Tapos sunud-sunod na po. Minsan sa isang taon nakaka-tatlo o apat na Ipaglaban Mo.

“Tapos po, ayun, parang, nag-audition po kasi ako talaga sa Araw Gabi na hindi talaga pang-bida yung in-audition ko. Hanggang sa pinabalik po ako nina Direk Ted [Boborol].

“Tapos nagulat ako na pang-bida na yung ino-audition ko. Hanggang sa sinabi po nila na ako na yung bida.

“Nakakatuwa po kasi hindi ko po siya ine-expect na mangyayari. Tapos nangyari. Tapos hanggang ngayon po, sunud-sunod pa rin yung mga blessing.”

Bakit siya tinanggal sa GirlTrends?

“Actually, wala pong reason, e. Pero siyempre I respect that kasi, management naman. And, hindi lang naman po ako ang natanggal that time.

“And honestly, well, before hindi ko siya ma-gets. Kasi parang ang sad ko. Kasi ang saya sa Showtime, alam mo yun? Family talaga.

“Tapos lately ko lang siyang na-realize, ‘Ah, kaya pala ako natanggal kasi may ibang plans.’ So, yun. Happy naman ako about it,” paliwanag ni Barbie sa press con ng Taiwan That You Love na ginanap sa ELJ Building, ABS-CBN compound last September 20.

Continue reading below ↓

Sa Taipei, capital city ng Taiwan, nag-shoot si Barbie para sa Taiwan That You Love na dinirek ni Theodore "Ted" Boborol.

Mapapanood ang Taiwan That You Love simula September 25 sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph.

Gagampanan ni Barbie ang karakter na si Ivi na nagtatrabaho bilang isang illegal tour service provider sa Taiwan upang hindi maging pabigat sa kanyang nobyo na si Paulo Angeles.

Kasama rin sa Taiwan That You Love ang Taiwanese actor na si Stephen Rong.

Malalagay si Barbie sa isang love triangle sa kanyang long-time boyfriend na si Eric (Paulo Angeles) at isang brooding artist named Wei-Ting (Stephen Rong).

“Ito pong project namin nila Paulo and Rong na Taiwan That You Love, iba siya, kami ni Paulo iba siya sa mga ginawa namin before which is MMK [Maalaala Mo Kaya] na sobrang bigat.

“Eto naman po, more on, fantasy siya.

“Mabigat din siya, hindi ganoon kabigat. Pero mas hindi pambata yung mga ginagawa namin ni Paulo dito. Mature na fantasy,” paglalarawan ni Barbie sa bago niyang online series.

Continue reading below ↓

Lagi ba silang magkasama ni Paulo during the entire days nang shooting nila ng Tawain That You Love?

“Hindi po,” sagot ni Barbie.

“Three days lang yung, nag-shoot siya for three days lang yata yung sa kanya. Basta pasulput-sulpot po.”

Sa loob ng tatlong araw, mas nakilala ba nila ang isa’t isa?

“Oo, ano kami, like, pero alam naman po ng lahat na kami ni Pau, kapag off-cam, tropa talaga kami.

“Ang feeling namin yun yung reason kung bakit po nagwo-work po talaga kami on screen. Kasi, parang ano, hindi na po kami, well, minsan si Pau naiilang pa rin siya kapag may mga kiss ganoon, smack lang.

“Nahihiya po talaga siya. So, ang ginagawa ko, kini-kiss ko siya paulit-ulit talaga.”

Ayon kay Direk Ted, nawala ang phone ni Barbie habang nagsu-shoot sila sa Taiwan.

Kuwento ni Barbie, “Saka po nung ano, nawala ang phone ko, sinabi ko lang doon sa may-ari ng hotel na ano, medyo maliit lang po kasi, ‘pag ano, after 20 minutes, may mga pulis na sa baba. Parang may crime na nangyari. Ganoon kalala sa kanila yung ‘pag nawalan ka ng phone.

Continue reading below ↓

“Ibabalik talaga kasi parang yung treatment nila sa mga ganoon, crime talaga. So, binalik.”

Aside from losing your phone, ano pa ang memorable experience mo while shooting in Taiwan?

“Uhm, siguro po yung mga night market.

“Saka yung mga insekto. Nagka-bilog-bilog po kami sa katawan namin.”

Kumusta naman katrabaho ang Taiwanese actor na kasama nila sa series na si Stephen?

“Kasi si Rong ano naman, e, English talaga siya magsalita. Sa States siya nakatira pero Taiwanese siya. Matagal na talaga siya sa States.

“Ay, opo, bago kami mag-shoot sa Taiwan, nag-speech leasson kami. Mandarin, Spanish, lahat. Pero 'Ni Hao’ [hello in Mandarin Chinese] lang ang natutunan namin. Saka 'Xie Xie' [thank you in Chinese].

Towards the middle of the digital series, magiging matchmaker goddess si Barbie sa
Taiwan That You Love.

Kung mabibigyan siya ng chance na maging matchmaking goddess, may mga tao
ba siya na gusto niyang i-match?

“Uhm, siguro po if in real life exciting siya maging matchmaking goddess. Pero parang nakaka-pressure na kung ako mismo rin yung nandoon sa libro, tapos yung ka-match ko, e, hindi pala siya or yung gusto kong ka-match.

Continue reading below ↓

“Pero in real life naman po, medyo may pagka-matchmaking goddess po talaga ako.

“Siguro kaya ako yung nawawalan, ako yung walang lovelife. Kasi, yung mga kaibigan ko, ‘Uy, oh, ganyan.’ Ima-match ko sila.

“May pagka-ganoon po talaga ako,” may hugot na sabi ni Barbie.

Sabi ni Paolo, nahihiya siyang halikan si Barbie sa kissing scenes nila dahil magkaibigan siya.

Type ba niya ang lalaking mahiyain?

“Uhm, hindi,” diretsong sabi ni Barbie.

“Siguro mas okay, well, si Pau kasi alam ko na mahiyain siya, and magkaibigan kami. So, kahit nahihiya siya, akting na akting pa rin ako.

“And, natutuwa ako kasi minsan, siyempre po ‘pag nagti-take, di ba, hindi siya maka-react dahil nahihiya siya.

“So, minsan, ina-ano ko talaga yung sarili ko sa kanya. Tapos nahihiya siya. Pero hindi niya pinapakita.”

What about kay Stephen, di ba siya nagkagusto sa Taiwanese actor?

“Well, hindi kasi ako mabilis ma-in-love talaga, e.

“Siguro it takes mga, kumausap ako ng guys, mga three months pa or more, bago ako ma-in love.

Continue reading below ↓

“Kasi, important sa akin yung ano, e, attitude ng isang tao talaga.”

Nagkaroon ba ng ilangan factor sa kanila ni Stephen on first day na magka-eksena sila?

“Well, ako naman po ‘pag may nami-meet ako or may bago akong ka-work hindi
ko talaga siya sisimulan na...

“Hindi ko siya sisimulan na, well, of course, nahiya ako. Pero hindi ako yung parang, ‘O, magtatago ako, nahihiya ako.’

“Ayoko.

“Like, mai-initiate talaga ako ng ano, ng conversation na hindi ko naman parang, go na go na. Para lang ano, para lang madali yung pagtatrabaho.”

Paano sila nag-bonding ni Stephen?

“Well, uhm, parang nag-dinner kami or lunch. Kasi, pagdating namin ng Taiwan, kumain muna kami lahat bago kami nag-work. Kasi, parang awkward naman nga na, trabaho agad.”

Single ba si Stephen?

“I think so, single siya.”

Type ba niya ang gaya ni Stephen?

“Uhm, gwapo. Pero mas more on attitude ako. Hindi ko pa siya kilala ng ganoon.

Continue reading below ↓

“Hindi pa kami, like, nagkausap ng malalim about, but who knows?

“Pero, ang layo, e. Taiwan? Long-distance? Hahaha!”

Nagka-chat na ba sila ni Stephen sa Messenger or nagpa-follow sa Instagram and other social media accounts?

“Hmm, kagabi lang. Kasi ano, tinanong namin kung nasaan na siya. Yun lang. Yun lang yung conversation.”

Continue reading below ↓

The iWant digital series Taiwan That You Love stars (L-R) Taiwanese actor Stephen Rong, Barbie Imperial, and Paulo Angeles

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial is paired with Paulo Angeles and Taiwanese actor Stephen Rong in the iWant series titled Taiwan That You Love.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results