Arra San Agustin compares kissing scenes with Juancho Trivino, Ken Chan

by Ruel J. Mendoza
Oct 3, 2019
Arra San Agustin compared her kissing scene with Juancho Trivino (in photo) and former leading man Ken Chan.
PHOTO/S: Noel Orsal

May nakunan nang kissing scene si Arra San Agustin with Juancho Trivino sa GMA-7 teleserye na pinagbibidahan niya, ang Madrasta.

Kumusta ang lips ni Juancho kumpara sa naka-kissing scene niya noon na si Ken Chan?

“Ay! Ipag-compare ko po ba? Iba-iba ang flavor nila!" tawa ni Arra sa media launch ng Madrasta noong September 30, 2019 sa GMA Network Center, Quezon City.

“May konting passion yung kiss namin ni Juancho. I mean, hinihingi ng eksena na ganitong klaseng kiss ang dapat na maramdaman namin ni Juancho.

“It's my first time to work with Juancho at nakapag-workshop kaming dalawa kaya wala na kaming ilangan sa isa't isa.

“Actually, marami pang mga kissing scenes ang gagawin namin ni Juancho. Yung love scenes po, hindi ko pa po alam kung meron. Pero paghahandaan po natin lahat.

“Yung kay Ken naman po, iba naman po iyon. I worked with Ken sa The Cure and My Special Tatay. Professional po si Ken pagdating sa ganyang mga eksena."

Continue reading below ↓

Wish ni Arra na makatrabaho uli si Ken in the future.

Noong sumali si Arra sa 6th season ng StarStruck noong 2015, hindi pa niya alam ang pinasok niya.

“Parang hindi po ako serious talaga during that time,” lahad ni Arra.

“Kasi po, noong time na nasa StarStruck po ako, I was still in school, kaya hati ang attention ko.

“Pero slowly, nararamdaman ko na it's not bad. Marami po akong natutunan sa entertainment industry.

“Masaya pala rito and I was able to meet yung ibang mga naging contestants ng StarStruck na nagpayo sa atin na basta mahalin ko ang pinasok kong ito, maraming darating na blessings.”

Talunan man sa StarStruck, nabigyan agad si Arra ng sunud-sunod na projects.

“Umabot po ako hanggang Top 6 and magandang experience po sa akin yung nangyari.

“It helped me open up, kasi napakamahiyain ko. Kaya yung family and friends ko, nagulat na umabot ako hanggang Top 6. Feeling nila, matatanggal ako kaagad.

Continue reading below ↓

“Blessing na rin po ang lahat. Kasi, bago ako nabigyan ng projects, nakatapos ako ng studies ko. I finished my psychology course sa De La Salle University.”

Ang unang guesting ni Arra sa TV show after StarStruck ay Maynila. Nasundan iyon ng Magpakailanman, Karelasyon, Dear Uge, A1 Ko Sa 'Yo, at Usapang Real Love.

First regular show niya ang Bubble Gang, at first teleserye niya ang Encantadia.

Pagkatapos ng supporting roles sa Meant To Be, The Cure, at My Special Tatay, ramdam na ni Arra ang pressure ng pagiging bida sa Madrasta.

“Noong nagte-taping pa lang po kami, wala pa yung kaba, pero habang papalapit ang airing ng Madrasta, doon na po ako nakakaramdam ng pressure.

“Kaya hindi ko napigilan na maiyak during the press conference, kasi, parang hindi pa rin ako makapaniwala.

“Title role na po kasi ito at mukha ko ang makikita nila sa labas ng GMA building. Ang laking responsibility po.

Continue reading below ↓

“But I’m really doing my very best para ma-exceed ko po ang expectations ng marami sa akin," ngiti pa ni Arra.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arra San Agustin compared her kissing scene with Juancho Trivino (in photo) and former leading man Ken Chan.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results