Valeen Montenegro learns about extent of drug problem via Beautiful Justice

by Rommel Gonzales
Oct 4, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Naniniwala si Valeen Montenegro na grabe ang problema ng bansa sa ilegal na droga.

"Parang mahirap siyang pigilan talaga,” pakli ni Valeen.

Inusisa namin si Valeen tungkol dito dahil tinatalakay iyon sa GMA-7 prime-time series na Beautiful Justice, kung saan gumaganap siyang kontrabida.

Pahayag pa ni Valeen, “With people like the PDEA [Philippine Drug Enforcement Agency] team, hindi naman kasi nila kakilala yung mga tinutulungan nilang mga pamilya, actually, wala silang attachment doon sa mga taong yun, e.

“Ang ginagawa lang talaga nila is yung tama. Kasi, alam nila na drugs will just like influence your brain in ways na you can’t control, di ba?

“So, hindi natin kailangan yun. Na-create tayo na walang mga substance na ganun, so sana... and it’s addiction din kasi talaga, e.

“So sana, ma-prevent yun. And yung show kasi, aside from it being napapanood lang siya, as a source of entertainment, it’s also nakakatulong din sa mga kabataan to be aware of what’s happening in real life situations.

Continue reading below ↓

“Kasi, all our scenes here, all the drug busts and all that, lahat po iyon, na-check muna ng PDEA mismo bago namin mailabas.

“So real life situations, lahat po ng nangyayari. Very educational din siya.

“Lagi kasing taboo topic ang drugs, e. Parang, ‘Can we not talk about it?’ Di ba, laging ganun? Pero it is really a serious problem.

“So this way, para siyang indirectly na madami siyang natutunton na problema, so indirectly, nagkakaroon ng knowledge ang mga tao, ‘Ah ganito pala ang nangyayari, ganito pala ang trabaho ng mga PDEA agents.’

“Madami ka talagang... na pati kami, natututo rin kami.”

Katuwang ng GMA, ng direktor na si Mark Reyes, at ng cast ang PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) sa mga eksena sa Beautiful Justice.

Nakapanayam namin si Valeen sa set ng teleserye nitong September 20 sa Felicidad Mansion Events Place sa Roosevelt Avenue, Quezon City.

Ano ang gagawin ni Valeen kung malaman niya na isang malapit na tao sa kanya ay lulong sa droga?

Continue reading below ↓

“Siyempre, I can’t go as in, head-on na parang, ‘Stop doing that!’ You can’t do that. Kasi siyempre, ang iisipin niya, ‘Who are you?’ This is my life!’

“Pag kasi you’re under the influence, iba na rin kasi yung takbo ng utak mo, e, so medyo defensive yang mga yan.

“So parang, siguro I’ll have him or her on my side, na ipapa-feel ko sa kanya na I have nothing to gain, ‘Kung ano yung gagawin ko for you, I have nothing to gain. I just really want your life to be put together, your life to be better.’

“Di ba? Kasi it’s not for me!

“I will actually sacrifice whatever friendship or relationship we have. ‘Kung magalit ka sa akin, so be it! Pero gusto kong malaman mo na hindi nakakabuti yang ginagawa mo, for you and your family.’

Continue reading below ↓

“Kasi, for sure, lahat yan, connected. Lahat yan, konektado.”

Masuwerte raw siya na wala siyang ka-close na nagdodroga, kahit na may mga drug users rin sa showbiz.

“Hindi ko sila friends,” at tumawa si Valeen.

Bukod sa Beautiful Justice ay napapanood si Valeen regularly sa Sunday PinaSaya sa GMA-7.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results