Manolo Pedrosa willing to be "Marco Gumabao ng GMA" after two years

by Rose Garcia
Oct 4, 2019
Manolo Pedrosa says he will be ready to do daring scenes in two years' time.

Mahigit isang taon nang Kapuso si Manolo Pedrosa.

Ang Inagaw na Bituin na nagtapos noong May 17, 2019 ang huling teleserye niya sa GMA-7.

“Naghihintay lang po ako ng susunod, pero okay lang po ako.

"Kasi, habang wala pa, focused naman po sa workshop, sa guesting," sabi ni Manolo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng pelikulang Black Lipstick nitong Setyembre 24 sa Max’s restaurant, Scout Tuason St., Quezon City.

Dugtong niya, “Happy po ako, especially sa workshop. Habang wala pang projects, may mga natutunan pa ako.

“And I think, it’s normal naman na hindi agad-agad may kasunod na project. And sa one year ko in GMA, I’m very contented.

“Ang daming nangyari, nakagawa ako ng dalawang teleserye, ang daming guestings.

"Nagka-movie pa ako with Kyline [Alcantara], so, what more can I ask?”

Sa ngayon, puro wholesome, more on cute roles ang ginagampanan niya.

Continue reading below ↓

Pero kung dumating ang panahon na kailangan na niyang gumawa ng mature at sexy roles, nakahanda si Manolo.

“Puwede naman po, pero sa ngayon, I don’t think GMA wants me to be on that route. Tingin ko lang po, ha?” nakangiting sabi niya.

Open ba siya na magiging Marco Gumabao ng GMA-7?

Sagot ni Manolo, “Puwede naman po, but of course, I still need time. Kailangan kong mag-gym pa.

"Pero sa tingin ko po, GMA wants me ng sweet-sweet muna.”

Tingin niya, baka dalawang taon pa bago siya mabigyan ng mapangahas na papel.

“I’ll be ready to do it, pero yun nga, I need to put hard work pa.”

Kaya ba niya ang gay role na may intimate scenes?

“Honestly, I’m willing to do such roles. As long as papayagan po ng management at nakikita nilang bagay naman sa akin.

Continue reading below ↓

“Kasi nga, as an actor, dapat ready ka sa kahit anong role. Dapat very open ka.”

Kaya niyang makipag-kissing scene sa kapwa actor?

“Yeah,” walang pag-aalinlangan na sagot ni Manolo na former housemate ng ABS-CBN reality show Pinoy Big Brother: All In.

ON KYLINE ALCANTARA AND KATE VALDEZ

Halos araw-araw nagkikita sina Manolo at Kyline Alcantara noong naglalagare sila sa taping ng GMA-7 teleseryeng Inagaw na Bituin at shooting ng pelikulang Black Lipstick.

“As of now, magkasama lang kami sa promo.

"Pero during that time na shooting, taping, day in, day out, magkasama kami.

"That’s how you build the relationship through time,” nakangiting kuwento ni Manolo.

Close sila kahit off cam pero wala pa sila sa romantic level.

“Professional po muna. Busy po lahat, both parties are busy with their own respective works.

"I’d rather let her focus on her work,” lahad ng Kapuso young actor.

Continue reading below ↓

Bilib si Manolo sa pagiging sobrang passionate ni Kyline sa trabaho.

“Very straightforward siya sa kung ano ang gusto niya. She knows what she wants at gagawin niya ang lahat kung ano ang gusto niyang makuha o gawin.”

Marami ang nakakapansing malapit din si Manolo kay Kate Valdez na co-star nila sa Black Lipstick. Nagpapalitan sila ng likes at comments sa social media.

Ayon kay Manalo, “Si Kate naman kasi, nagiging close kami kasi, magkasama kami sa workshop ng GMA.

"Doon kasi sa workshop, nag-o-open-up ka talaga kung sino ka talaga.

“Sa tingin ko, dahil doon, nagiging close kami.”

Aminado si Manolo na attracted siya kay Kate.

Kanino siya mas attracted, kay Kate o kay Kyline?

“Both, I mean, it depends naman on what context, but they’re both attractive,” safe na tugon ng binata.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manolo Pedrosa says he will be ready to do daring scenes in two years' time.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results