Benjamin Alves on Sanya Lopez: “I feel like Sanya is my wife in every scene, sa intimate scenes..."

by Rommel Gonzales
Oct 3, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Magwawakas na bukas, October 4, Biyernes ang GMA-7 drama series na Dahil sa Pag-ibig (DSP).

Bida rito sina Sanya Lopez bilang Mariel, Pancho Magno bilang Gary, Winwyn Marquez bilang Portia, at Benjamin Alves bilang Eldon.

Tinanong namin si Benjamin kung ano ang natutunan niya sa afternoon series na Dahil sa Pag-ibig.

“You can be sincere, but sincerely wrong. And you deserve a second chance, even if you don’t deserve it.

“It’s what you do with the opportunity that matters. At least, sa huli, nalaman ni Eldon ang perfect way para ipakita niya ang kanyang pagmamahal sa kanyang pamilya.”

Ano ang mga eksenang hindi makakalimutan ni Benjamin?

“The revelation scene with Sanya! I could not have imagined a more fitting Mariel.

“I feel like Sanya is my wife in every scene, sa intimate scenes, and kahit sa mga eksena na may arguments kami.

Continue reading below ↓

“A testament to how mature and honest Sanya plays Mariel.”

Ano ang aral na nais iwan ni Benjamin sa viewers sa pagtatapos ng kanilang teleserye?

“Fight for the one you love. Even if it means fighting with yourself.”

Binata pa si Benjamin, pero ano ang pananaw niya tungkol sa buhay may-asawa at bilang isang mister matapos niyang gampanan ang papel ni Eldon?

“Marriage is a lot of work! Na yung pagmamahal mo para sa pamilya mo, madalas, mas mahalaga pa kaysa sa pagmamahal mo sa sarili mo.”

Dahil sa paghihiganti na pinakita sa DSP, napagtanto ni Benjamin: “No one wins in revenge.”

Nakapanayam namin si Benjamin nitong October 2, Miyerkules, sa pamamagitan ng email.

Ang Dahil sa Pag-ibig ay sa direksyon ni Ricky Davao.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results