Ibinahagi ng mga naitanghal na Ultimate Male and Female Survivor na sina Kim de Leon at Shayne Sava, at finalists na sina Allen Ansay at Lexi Gonzales ang kanilang mga pinagdaanan sa buhay bago natupad ang kanilang pangarap na manalo sa Starstruck Season 7.
Iba-ibang trabaho ang pinasok ni Kim bago nag-audition sa Starstruck.
Si Shayne, lumaki mang walang ama ay nagpursigi sa pag-aaral at sa pagtupad sa kanyang mga pangarap.
Si Allen, iniwan ang payak na buhay para mag-artista, habang si Lexi naman naging emosyunal na habang binabalikan sa alaala ang mga ginawa para lang makatulong sa kanyang single mom at kapatid na may special needs.