Thea Tolentino relishes being kontrabida to Kapuso actresses

by Ruel J. Mendoza
Oct 5, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Hinding-hindi raw magsasawa si Thea Tolentino sa pagganap bilang kontrabida. Bukod sa enjoy siyang magtaray at manakit ng kung sino ang bida sa teleserye, nabibigyan niya ng ibang look ang bawat kontrabida role niya.

“Excited po ako tuwing may bagong kontrabida role akong gagawin. Sa story conference lang, kapag sinabi kung ano ang gagawin ko, pinag-aaralan ko na po kung ano ang bago na puwede kong ipakita.

“Ayoko po na maulit yung ginawa ko sa huling teleserye na kontrabida ako.

“Sa look naman po, gusto ko rin, paiba-iba. Different hair, different makeup, different clothes. Ibabagay ko sa role ang magiging background ng character ko.

“Kung kailangan kong ibahin ang kulay ng buhok ko, gagawin ko po para mabigyang buhay ko ang role,” pahayag ni Thea sa media conference ng GMA afternoon teleserye na Madrasta noong September 30 sa GMA Network Center, Quezon City.

Sa Madrasta, gagampanan ni Thea ang role na Katharine, ang first wife na pinagnakawan at iniwan ang asawang si Sean (Juancho Trivino) para sumama sa ibang lalake.

Continue reading below ↓

Noong gusto na niyang balikan ang dating mister, ikinasal na ito kay Audrey (Arra San Agustin).

“Pagkatapos po nina Kris Bernal, Maine Mendoza, Janine Gutierrez, Barbie Forteza, at Sanya Lopez, si Arra naman po ngayon ang makakatikim ng pagiging kontrabida ko.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Marami na kaming nakunan na eksena ni Arra na nag-aaway kami, nagsasabunutan, nagsasampalan.

“May chemistry na kaming dalawa. Kapag tarayan ang eksena, alam na namin ang timing ng isa’t isa.

“After po ng mabigat na eksena, nagtatawanan lang kaming dalawa ni Arra. Kapag nasa tent kami, kuwentuhan lang kami.

“Pero kapag take na namin, alam na ni Arra kung kelan ako magiging hallimaw at prepared na siya!” tawa pa ni Thea.

Ikinatuwa ni Thea na ang gaganap na mother-in-law niya sa Madrasta ay si Gladys Reyes na noon pa niya hinangaan bilang kontrabida.

“Ito po ang second time na makakatrabaho ko si Ms. Gladys Reyes. Yung una ko pong teleserye na Pyra: Babaeng Apoy, si Ms. Gladys po ang gumanap na nanay ko. Doon ko po ako nabinyagan ng sampal niya.

Continue reading below ↓

“Ngayon po dito sa Madrasta, biyenan ko siya at di kami nagkakasundo.

“Mabait ang role dito ni Ms. Gladys pero kapag nakikita niya ako, parang nate-tempt siyang sampal-sampalin ako dahil sa ginawa ko sa pamilya nila.”

Tulad ng career ni Thea, productive din ang relasyon niya sa Kapuso actor na si Mikoy Morales. Kapwa sila busy dahil nasa prime-time teleserye na The Gift si Mikoy.

“Pinaka-busy po si Mikoy, kasi, tatlo ang shows niya [The Gift, Bubble Gang, Pepito Manaloto]. Kaya the whole week, minsan lang kami nagkikita or lalabas.

“Wala naman pong demanding sa aming dalawa. Kung kelan puwede at kapag may free time kami pareho, doon na lang kami magkikita.

“Walang problema sa communication dahil nandiyan naman ang texting, Facetime, comment sa IG post. Wala pong ghosting sa amin ni Mikoy!” malakas na tawa pa ni Thea.

GOING ON SOLO TRIP

Humingi ng leave si Thea para makapagbiyahe next month sa Taiwan at Japan. Gusto ni Thea na maranasan ang mag-travel nang mag-isa.

Continue reading below ↓

“Try ko lang po na bumiyahe na ako lang. Before kasi, laging may mga kasama ako tuwing magbakasyon ako sa ibang bansa. This time, gusto ko na ako lang.

"Marami po kasi akong gustong puntahan na iba’t ibang lugar, lalo na po sa Japan. Gusto kong sumakay ng bullet train na ako lang.

“Nag-aral po ako na magbasa at magsalita in Japanese. Ipa-practice ko po iyun sa pagbiyahe ko.

“Hindi naman po worried si Mikoy sa akin, kasi, alam niyang kaya ko. Gusto niya na maging independent ako sa lahat ng bagay.

“Kahit po ang family ko, gusto nilang matuto akong gawin ang lahat na hindi ako masyadong umaasa sa kanila.”

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results