Ogie Alcasid not bothered by "composer ka lang" comment

by Rose Garcia
Oct 5, 2019
Ogie Alcasid: "Sadly, ‘yan ang iniisip ng marami. If you’re a songwriter-composer, that’s it. It’s just a matter of educating them. Malaman nila ang kahalagahan ng songwriter."
PHOTO/S: Rose Garcia

Bilang hurado sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime, sanay na sa pamba-bash si Ogie Alcasid.

“Wala namang tama diyan. Opinion siya,” pakli ng beteranong singer-songwriter.

Masasaktan ba siya sa patutsada ng contestant na kesyo “Composer ka lang” o kaya, “Judge ka lang”?

“No, not at all,” sambit ni Ogie.

“Sadly, ‘yan ang iniisip ng marami. If you’re a songwriter-composer, that’s it.

"It’s just a matter of educating them. Malaman nila ang kahalagahan ng songwriter.

“It’s ignorant.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa pocket interview noong Oktubre 1, Martes, sa Frazzled Cook, Quezon City.

Naging malapit sa isa’t isa ang mga hurado sa TNT. Halos weekly ay nagkikita sila at nagkaka-bonding.
Kaya nabuo ang concert ni Ogie na Ogie and the Hurados sa Resorts World Manila sa October 10.

“We always get together. Kami ng mga hurado, every week. Kantahan kami nang kantahan, kaya sabi ko, bakit hindi na lang tayo mag-concert?”

Continue reading below ↓

Aabot ng mahigit dalawang oras ang concert sa dami ng guests.

Nandiyan sina Zsa Zsa Padilla, Randy Santiago, Karla Estrada, K Brosas, Karylle, Jed Madela, at Rey Valera.

OGIE ALCASID IN MMK

Magdadrama si Ogie sa Maalaala Mo Kaya ngayong Oktubre 5, Sabado.

Gaganap siya bilang payaso at puppeteer na may apat na anak.

“Hindi ko na sana tatanggapin, kasi grabe yung schedule ko,” lahad ni Ogie.

“E, nakita ko si Ruel Bayani sa Sine Sandaan. Sabi niya, ‘Ogie, gawin mo na ‘to.’ ‘Yes, Direk.’

“Iyong character ko, medyo artist. Hard life, he had a very hard life.”

Marami na siyang natanggihang episode ng MMK dahil sa schedule niya.

Sa pagkakataong ito, pinilit siya ng manager niya na si Leo Dominguez.

Kinumusta rin namin kay Ogie ang sitcom na dapat ay pagsasamahan nila ng asawang si Regine Velasquez sa ABS-CBN.

Sagot niya, “Hindi na yata tuloy yun, I don’t know. Sa schedule namin, hindi rin kaya, e.”

Continue reading below ↓

Noong lumipat si Regine sa Kapamilya network, nabalita na ang sitcom na pagsasamahan nila ang isa sa naka-line up.

“Yeah, actually, nag-meeting na kami. But you know, may mga pagbabago.

"Okay lang din, may mga raket!" natawang sabi pa niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Alcasid: "Sadly, ‘yan ang iniisip ng marami. If you’re a songwriter-composer, that’s it. It’s just a matter of educating them. Malaman nila ang kahalagahan ng songwriter."
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results