Jennylyn Mercado, nagsimula nang mag-medical training para sa DOTS role

by NMI Multimedia
Oct 4, 2019
Humahabol ngayon sa training si Jennylyn Mercado para sa bagong role na gagampanan sa GMA-7 adaptation ng hit Korean drama na Descendants of the Sun.
PHOTO/S: 24Oras / GMA-7

In-announce kahapon na si Jennylyn Mercado na ang gaganap na Dr. Maxine sa GMA-7 adaptation ng hit Korean drama na Descendants of the Sun.

Ayon kay Jennylyn, recently lang daw niya nalaman na siya ang gaganap sa role na ginampanan ng South Korean superstar na si Song Hye Kyo sa orihinal na Descendants of the Sun. Ang dami raw kasi niyang ginagawa at nagte-taping pa siya noon ng show niyang Love You Two nang magsimulang mag-training na ang mga makakasama niya sa bagong gagawing show.

Nag-alanganin na rin daw siya noon kung siya ba talaga ang napili dahil nagsimula na sa paghahanda ang mga makakasama niya habang siya naman ay may ginagawa pang show.

Kahapon ay nagsimula na rin siyang mag-medical training para sa role niya bilang doktor at sasailalim sa iba pang training para maging mas makatotohanan ang kanyang pagganap.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Humahabol ngayon sa training si Jennylyn Mercado para sa bagong role na gagampanan sa GMA-7 adaptation ng hit Korean drama na Descendants of the Sun.
PHOTO/S: 24Oras / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results