Manilyn Reynes: "Mahirap yung bigla kang sumikat, bigla ring lalaki ang ulo mo."

by Ruel J. Mendoza
Oct 5, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal


Gumanap si Manilyn Reynes bilang ina nina Barbie Forteza (Inday Will Always Love You, Meant To Be), Ken Chan (Destiny Rose), Bianca Umali (Once Upon A Kiss), Kris Bernal (All My Life), Kathryn Bernardo (Got To Believe), at Jake Vargas & Angel Satsumi (Pepito Manaloto).

“I was very lucky noong nagsisimula ako. Naging mother ko sa pelikula sila Ms. Gloria Romero, Ms. Charito Solis, Ms. Gloria Diaz, Ms. Nova Villa, at marami iba. Nararamdaman ko habang ginagawa namin ang movie, parang ina ko sila talaga.

“Yun ang gusto ko ring iparamdam sa mga lumalabas na mga anak ko sa teleserye. I want them to feel na mother nila ako para mas makatotohanan ang pagganap namin.

“Automatic na sa akin na lalabas ang maternal instincts ko. Tatlo kasi ang anak kong lalake kaya very experienced mother talaga ako," pahayag ng 47-anyos na aktres sa media conference ng GMA afternoon teleserye na Madrasta, kung saan gumaganap siyang ina ni Arra San Agustin.

Unang nakatrabaho ni Manilyn si Arra ay noong contestant ito sa StarStruck Season 6 (2015).

Continue reading below ↓

Nagkaroon sila ng acting challenge at si Arra ang napiling kaeksena niya.

“Bagung-bago pa lang si Arra that time and ramdam ko yung kaba niya bago kami nag-shoot noong scene namin.

"Nag-usap muna kami at sinabi ko na relax lang siya, huwag siyang kabahan at magtulungan kami sa eksena.

“Pero noong nag-action na, doon ko nakita na may kakayanan pala siya sa pag-arte. Konting push lang kay Arra at nagagawa niya yung eksena.

"Maganda kasi ang mga mata ni Arra. Bilog na bilog siya at very expressive. Puwede niyang gamitin yun para sa pag-arte niya.

“Plus factor din na ang ganda ng mukha niya, artistang-artista ang dating.

“Kaya natuwa naman ako noong maging bida na siya sa Madrasta at ako pa ang nakuhang mother niya.

“Base sa mga naging eksena namin sa Madrasta, malaki na ang naging improvement ni Arra sa pag-arte at mukhang malayo ang mararating ng batang ito," sabi pa ni Mane (Manilyn's nickname).

Wala pa raw nararanasan si Manilyn na may nagpasaway na baguhang artista sa kanya. Isa sa mga laging pangaral niya sa mga baguhan ay ang maging humble kahit sikat na sikat sila.

Continue reading below ↓

“Sa awa ng Diyos, wala pa naman akong nakaka-encounter na pasaway na artista.

“Though may mga naririnig na akong mga kuwento mula sa mga kasabayan ko na si ganyang artista, malaki na raw ang ulo, hindi marunong bumati… mga gano'ng kuwento na sana ay hindi ko naman ma-experience firsthand.

“Ako naman kasi, kapag ang role ko ay mother, I make it a point na nagiging close din ako sa kanila kahit na hindi kami nakaharap sa kamera.

“Yung makikipagkuwentuhan ka with them, inaalam mo rin kung ano ang bago sa kanila. Gano'n ako makipag-bonding, kasi turing ko sa kanila, parang mga anak ko na.

"Kaya nakaka-establish ako ng professional relationship with them. Kapag close na kami, doon na ako puwedeng magbigay ng advice kung hihingi sila.

“Usually naman, lagi kong sinasabi na kahit gaano pa sila kasikat, always be humble. Matuto silang lumingon sa pinanggalingan nila.

Continue reading below ↓

"Kung sino ang mga taong nakilala nila noong nagsisimula pa lang sila, lagi nilang i-acknowledge ang mga taong ito dahil naging malaking tulong sila kung nasaan ka ngayon.

“Lahat ng mga natutunan namin kay Kuya Germs [German Moreno], dala-dala pa rin naming hanggang ngayon.

“Yung maging professional, maging mabait, maging mapakumbaba, at makinig sa mga nakakatanda sa amin.

“Mahirap kasi yung bigla kang sumikat, bigla ring lalaki ang ulo mo. Dahil sa marami ka nang bagong kaibigan, nakalimutan mo na yung mga taong unang tumulong sa iyo. Huwag gano'n. Hindi tama 'yon.

“Importante yung nakasayad pa rin sa lupa ang mga paa mo. Mas dadami at tatagal ang blessings na bigay sa iyo ni Lord kapag nanatili lang humble, approachable at mabait sa mga katrabaho mo," pahayag pa ni Manilyn.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results