Alden Richards finds more challenge in portraying blind character in The Gift

by Rose Garcia
Oct 6, 2019
Alden Richards very satisfied with the outcome of The Gift: “Sobra, sobra. Napakaganda ng istorya. Every day, nakikita namin ang mga taong nagtu-tweet about it.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Mas kumapit kay Alden Richards ang istorya ng Kapuso primetime series na The Gift ngayong bulag na ang karakter niya ritong si Sep.

“Noong una, yung time po na parang wala pang ganung scene, yung nakakakita pa ako, parang hindi pa ganun ka-challenging yung role.

“After, yung unang mulat ko po sa kama, sa hospital, sabi ko kay Direk, ‘Direk, nandito na ako. Nandito na po ang character, ramdam ko na siya. Hindi ko na siya kailangang aktingin.’”

Mahirap gumanap na bulag.

Ayon kay Alden, “Kasi, nagko-contact lens po ako rito. Mahirap pong umiyak, parang may nakaharang.

“Pero extra effort po sa akin yun to motivate myself and i-push ang sarili ko sa mga dramatic scene.”

Sa isang banda, marami ang nagkakagusto sa ipinapakita niyang pag-arte at atake sa role niya.

“Ang galing po ng cast,” sambit ni Alden.

“Ang gagaling po ng artista, writer, pero higit po sa lahat, ang director, si Direk LA Madridejos. I have to give it to him.

Continue reading below ↓

“Talagang siya yung meron siyang nakikita more than what we see. Kaya mas motivated po kaming magtrabaho.

“At the same time, hinihingi rin po niya yung mga side namin. Like, ‘Ano ang tingin mo rito?’

"Kagaya po ng recent project ko sa movie, ang Hello, Love, Goodbye, parang naging ganun ang input.

“Parang nagiging entitled yung actors na,wow, part ako ng creative process.

"Collaborative po and this is one of my most collaborative programs po sa GMA in-terms of soap opera.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Alden sa taping ng The Gift noong October 4, Biyernes, sa Sta. Mesa, Manila.

THE VISION OF BLIND SEP

Sa pagkabulag ni Sep, makakita na siya ng mga vision.

Kuwento ni Alden, “Very much puzzled siya saan nanggagaling yung mga vision.

"Bakit siya nagkakaroon ng ganung vision, and bakit siya nagkakaroon ng ganung moments sa buhay niya?

Continue reading below ↓

“As of now po, hindi niya alam kung bakit, and mabibigyang linaw po ‘yan on the weeks to come.

“Pero ngayon po, it’s really more on figuring out... ano ba, bakit ako may ganito? Bakit ako nagkakaroon ng ganito?”

Mag-iisang buwan na sa ere ang The Gift sa isang linggo at masaya siya sa takbo nito.

Sabi ni Alden, “Sobra, sobra. Napakaganda ng istorya.

"Every day, nakikita namin ang mga taong nagtu-tweet about it.”

Kuwento pa ni Alden, pati yung mga kaibigan niyang hindi dati nanonood ng mga teleserye niya, ngayon ay nanonood.

“Hindi nanonood, 'tapos ngayon, sila yung hooked na hooked!” natawang sabi niya.

“Sabi ko, 'Hindi naman kayo nanonood ng mga soap ko, e.' Tapos ngayon, nanonood.

"Parang may ganun siyang effect."

NEW COMPETITION

Simula Oktubre 7, Lunes ng gabi, may bago nang katapat ang The Gift sa ABS-CBN. Ito ay ang Starla na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.

Continue reading below ↓

Reaksiyon dito ni Alden, “Of course, we’re looking forward po. Panibago na namang istorya ang ikukuwento ng kabilang istasyon po.

“We’re very much open to that and kung ano man ang itinatakbo ng istorya namin ngayon sa The Gift, susundan lang po namin yun para, at least, malinaw po ang nagiging mensahe ng show.

“We’re very much happy with our project and we wish, yung katapat namin, well din.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards very satisfied with the outcome of The Gift: “Sobra, sobra. Napakaganda ng istorya. Every day, nakikita namin ang mga taong nagtu-tweet about it.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results