Phytos Ramirez on Thea Tolentino's character: "Gagamitin niya ako at paglalaruan sexually"

by Ruel J. Mendoza
Oct 9, 2019
Phytos Ramirez on his GMA-7 teleserye Madrasta: “Marami raw po kaming gagawin na love scenes ni Thea [Tolentino] kaya panay po ang workout natin."
PHOTO/S: Noel Orsal

Masaya si Phytos Ramirez sa nangyayari sa career ng GMA-7 young star na si Klea Pineda.

Natuwa ang Kapuso hunk dahil leading lady si Klea sa bagong GMA afternoon teleserye na Magkaagaw kasama si Jeric Gonzales.

Sa mga hindi nakakaalam, dating nagde-date sina Phytos si Klea.

“Hindi kami nagkaroon ng relasyon dahil na rin sa kagustuhan niya,” sabi ni Phytos sa press conference ng Madrasta noong September 30.

“She wasn't ready that time na maging serious sa isang relationship. Marami pa raw siyang gustong gawin sa career niya.

“I respect her decision kaya okay lang sa akin yun. Hanggang ngayon naman po, friends pa rin kami ni Klea."

Nakakaramdam ba ng selos si Phytos dahil nali-link ngayon si Klea kay Jeric?

“Hindi po. Kaibigan ko po si Jeric. Saka may teleserye po sila at sila ang bini-build up ngayon ng GMA-7.

“Siguro, magseselos ako kung nagkaroon kami ng past ni Klea.

Continue reading below ↓

“E, wala naman po, e. Hanggang sa pagde-date lang kami talaga.

“Sa totoo lang po, happy ako for Klea. Happy rin ako for Jeric. Sana po, mag-click ang love team nila."

Sa Madrasta, gaganap si Phytos bilang si David, best friend ni Sean (played by Juancho Trivino).

Si David ay may lihim na pagtingin sa ex-wife nito na si Katharine (played by Thea Tolentino).

Ani Phytos, “Yung pagkakaroon ko ng secret admiration, gagamitin yun ni Katharine para ma-seduce niya ako.

“Gagamitin niya ako at paglalaruan sexually para makaganti kina Sean at Aubrey [played by Arra San Agustin].

“Medyo sexy po ang magiging eksena namin ni Thea sa mga darating na episodes.

“Marami raw po kaming gagawin na love scenes ni Thea kaya panay po ang workout natin.

“Gusto ni Direk Monti [Parungao] na in good shape ako kapag kinunan ang mga eksena namin ni Thea."

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Phytos Ramirez on his GMA-7 teleserye Madrasta: “Marami raw po kaming gagawin na love scenes ni Thea [Tolentino] kaya panay po ang workout natin."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results