Former ABS-CBN actor Anjo Damiles recalls what pushed him to do a network transfer to GMA-7

by Rommel Gonzales
Oct 11, 2019
Anjo Damiles on not getting ABS-CBN projects in the past: "Hindi lang talaga ako swak sa dumating na mga teleserye."
PHOTO/S: Noel Orsal

“Kapatid” ni Anjo Damiles sina Pia Wurtzbach, Benjamin Alves, at Daniel Matsunaga sa company na Mercator Artist and Model Management Inc.

Ani Anjo, “Daniel is my friend! Si Dan is fine, being with Dan is fine but I haven’t been with him in a long time.

“Pero si Pia… kasi, nandun yung hiya ko, e! You know, everytime na pag nakikita ko siya, ‘Oh my God, there’s a goddess!’

“May diyosang dadaan, mag-hi kaya ako? Baka hindi mag-hi, e. Pero magha-hi pa rin ako, ‘Hi, Pia!’

“Nagha-hi naman siya, e, kinikilig ako,” tumatawang bulalas ni Anjo.

Hindi pa niya nakaka-bonding si Benjamin.

“But I have attended his premiere, nung sa film fest niya with Solenn [Heussaff]. Pero hindi kami nagkausap, nagka-bro-han kami.”

Nagkaroon ng special screening sa 2019 Cinemalaya Film Festival noong Agosto ang Misterio de la Noche na indie film nina Benjamin at Solenn.

Continue reading below ↓

Gusto bang humingi ni Anjo ng tips kay Benjamin bilang artista?

“Of course! Mas gusto kong may mga maka-bonding na beterano.”

Hindi pa maituturing na veteran actor si Benjamin.

“I mean, he’s actually a good actor, he’s one of the good actors here in GMA. And may experience iyan, iyung mga nakakatrabaho niyan, ibang level din.

“So, mas alam niya iyong levelling, iyong extreme, iyong pakikipagtrabaho with them.

“So, baka pag nakausap ko siya, alam niya. Pag nagtanong ako sa kanya, masasagot niya ako. Iyon.”

Nakakuwentuhan namin si Anjo noong September 30 press con ng Madrasta sa 17th floor ng GMA Network Center.

Nasa ABS-CBN dati si Anjo. Ang huli niyang regular teleserye sa Kapamilya network ay ang Doble Kara na umere mula August 2015 hanggang February 2017.

Wala nang naibigay na serye ang Dos kay Anjo, hanggang lumipat siya sa GMA at mapasama sa Madrasta.

Continue reading below ↓

“Baka wala lang pong sumwak,” paliwanag ni Anjo.

“Siyempre, marami naman po kasing artista sa ABS-CBN, na alam ninyo naman po iyung mga bini-build up na bago, so ang hirap din naman po kasi na pagsabay-sabayin kaming lahat.

“Lalo na kung nakita nilang mas bagay sa kanila yung role, bakit nila ipipilit sa taong hindi naman, you know, not for the role?

“Masasayang ang pondo, masasayang ang hirap ng bawat actors and actresses, yung pagod ng director, of course, ng buong production, lahat.

“Siyempre, sayang naman pag ganun. So, I think, iyon ang nangyari. Hindi lang talaga ako swak sa dumating na mga teleserye.”

In between ay binigyan siya ng ABS-CBN ng guest appearances sa mga programang tulad ng Wansapanataym, Ipaglaban Mo, at iba pa.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anjo Damiles on not getting ABS-CBN projects in the past: "Hindi lang talaga ako swak sa dumating na mga teleserye."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results