Marian Rivera returns to Sunday PinaSaya; wants a sitcom with Dingdong Dantes

by Rommel Gonzales
Oct 19, 2019
Marian Rivera wants to have a sitcom with husband Dingdong Dantes. "Para light lang," the Kapuso Primetime Queen said.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Makalipas ang humigit-kumulang sa isang taon ay nagbalik si Marian Rivera bilang host ng Sunday PinaSaya.

Masayang-masaya raw siya sa kanyang pagbabalik bilang isa sa hosts ng naturang Sunday musical variety show ng GMA. Sino ba ang na-miss niya nang husto sa show?

“Siyempre si Kambi,” pagtukoy ni Marian sa “kakambal” niyang si Ai-Ai delas Alas na host din ng Sunday Pinasaya.

“Actually lahat sila, lahat sa Sunday PinaSaya, na-miss ko, kaya masaya ako na nakabalik na ako, na nandito na ako ulit.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian noong Linggo, October 13 sa GMA Studio 7 sa pagbabalik ni Marian sa Sunday PinaSaya makalipas ang isang taon (dahil sa pagbubuntis at panganganak kay Ziggy).

MARIAN AS MOTHER FIRST

Nakakatuwa ang kuwento ni Marian sa unang araw ng pagbabalik niya sa Sunday PinaSaya.

“Oh well, katulad ngayon kasama ko si Zia, naliligo ako, sabi niya sa akin, ‘Mama, where are you going?’

Continue reading below ↓

“Sabi ko, ‘I’m going to work in Sunday PinaSaya!’ ‘Can I come with you?’

“Sabi ko,’No, you take care na lang of your brother.’

“Ayun nung naligo ako, ‘Mama, I will take a bath with you!’

“Ayun sabay kaming naligo, wala, sumamana sa akin. “Tapos si Ziggy bago ako umalis ng bahay, naka-ready na yung mga dapat, yung milk ko, yung mga dapat niyang gawin 'tapos napaliguan ko na rin. So ganun, ako pa rin,” kuwento pa ni Marian bilang pagpapatunay na kahit gaano siya ka-busy bilang artista ay hindi niya pababayaan ang tungkulin niya bilang ina ng dalawang anak nila ni Dingdong Dantes.

Kinagabihan nga ay hindi nakarating si Marian sa 33rd Star Awards for Television dahil iyak nang iyak si Ziggy, kaya sa halip na dumiretso sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo De Manila si Marian para tanggapin ang award niya bilang isa sa mga TV Queens at the Turn of The Millennium ay minabuti na lamang ng Kapuso Primetime Queen na umuwi para sa kanyang bunsong anak.

Continue reading below ↓

Ang iba pang TV Queens na pinarangalan sa katatapos lamang na Star Awards for TV kasabay ni Marian ay sina Angel Locsin, Bea Alonzo, Carla Abellana, Heart Evangelista, Jennylyn Mercado, Kathryn Bernardo, Kim Chiu, Liza Soberano, Maja Salvador, Sunshine Dizon, at Judy Ann Santos.

A SITCOM WITH DINGDONG?

Dahil sa pagbabalik ni Marian, una sa Tadhana at ngayon nga ay sa Sunday PinaSaya, inaabangan na rin ng marami ang pagbabalik ni Marian sa paggawa ng teleserye, at nagpahayag na naman si Marian na next year ay siguradong mapapanood na siyang muli sa isang drama series.

Kung siya ang tatanungin, anong klase o genre ng serye ang susunod niyang nais gawin?

“Depende sa ipe-present nila.”

Kung siya ang tatanungin ng GMA?

“Iisipin ko, iisipin ko.

“Pero, kung may gusto akong maka-partner, si Dong yun!”

Huli silang napanood ni Dingdong sa iisang TV program ay sa Encantadia noong 2017, pero pareho silang guest lamang; sa isang regular series naman na sila talaga ang magkapareha ay noon pang 2012 sa My Beloved.

Continue reading below ↓

“Ang tagal na nun!” Biro namin kay Marian, araw-araw naman na silang magkasama bilang mag-asawa sila.

“Iba pa rin pag work. Iba pa rin pag may work kasi sa bahay may mga anak kami, e sa work, work, iba pa rin.”

June 2018 naman ay idinirek ni Dingdong ang misis niya sa anniversary special ng Tadhana.

Mas inspired si Marian kapag kasama niya ang mister niya sa trabaho?

“Nung dinirek niya ako sa Tadhana, may something pa rin, weird pero at least may excitement.”

Kailan nga ba sila muling magtatambal ni Dindong sa isang teleserye?

“Iyon ang malaking tanong dun.”

Pero tila may “patikim” na si Marian sa susunod nilang proyekto ni Dingdong…

“Hindi man soap opera baka malay niyo, iba naman, kasi gusto ko talagang magka-sitcom kasama siya! Sitcom talaga yung gusto ko para light lang.

“At least madadala namin yung mga bata sa set, dito lang sa GMA.

Continue reading below ↓

“Iyan ang gusto kong gawin siguro kung magka-comeback ako, sitcom ang gusto ko.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera wants to have a sitcom with husband Dingdong Dantes. "Para light lang," the Kapuso Primetime Queen said.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results