Is Marian Rivera open to headlining another dance musical show?

by Rommel Gonzales
Oct 23, 2019
Marian Rivera on doing another musical variety show: “Ang hirap, tapos pag hindi ka naka-memorize, pag pinanood sa TV, mali-mali yung steps mo, huwag na, di ba?”
PHOTO/S: Noel Orsal


Malaki na ang kumpiyansa ni Marian Rivera sa sarili bilang host. Nahasa kasi siya sa GMA-7 shows na Sunday PinaSaya at Tadhana.

“Kapag meron akong on-the-spot sa stage, hindi na ako medyo kimi-kimi. Ngayon, kahit papaano, may kumpiyansa na.

“So… siyempre kapag may practice talaga, iba talaga ang may practice.”

Halos isang taong nagbakasyon si Marian sa Sunday PinaSaya dahil nabuntis at nanganak siya sa bunso nila ni Dingdong Dantes na si Ziggy. Kababalik lamang ng Kapuso Primetime Queen bilang host ng naturang Sunday musical variety show.

“Kaya nga sabi ko sa kanila, ‘O, unang sabak ko sa Sunday PinaSaya, aanga-anga pa ako diyan, siyempre nagbi-build pa lang ako, huwag niyo muna akong lo-load-an ng madami, ha?’

“Sabi ko, pag nahasa na uli, parang sasakyan yan, kailangang painitin muna, pag okay na, saka lalarga.”

Nakausap namin si Marian noong Linggo, October 13, sa GMA Studio 7 kung saan ginaganap ang Sunday PinaSaya.

Payag pa rin si Marian kapag bibigyan siya ng hataw na dance numbers sa Sunday PinaSaya.

Continue reading below ↓

“Oo naman, oo naman! Pero hindi muna sa ngayon.

“Kasi siyempe, kailangan kong mag-rehearse, kailangan ko ng time so unti-unti.”

Tatanggapin ba ni Marian kapag sinabi ng GMA na ibabalik sa telebisyon ang musical variety show niyang Marian?

“Ang hirap kasi nun, sa isang production, tatlong sayaw, Diyos ko, day!

“Ang hirap, tapos pag hindi ka naka-memorize, pag pinanood sa TV, mali-mali yung steps mo, huwag na, di ba?”

Kumakain kasi ng isang araw na rehearsal ang isang musical show bukod pa sa live show mismo. Sa kabisihan ni Marian sa pagiging ilaw ng tahanan, TV host at product endorser, mahihirapan siya kung magkakaroon pa siya ng solo musical show.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera on doing another musical variety show: “Ang hirap, tapos pag hindi ka naka-memorize, pag pinanood sa TV, mali-mali yung steps mo, huwag na, di ba?”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results