The Voice PH Season 2 auditionees include recording artist who wants a second chance

Luis Manzano (leftmost) and Toni Gonzaga team up to serve as hosts of The Voice of the Philippines Season 2. Alex Gonzaga (third from left) and Robi Domingo serve as social media correspondents of the reality show.


Nagbabalik na ang The Voice of the Philippines sa telebisyon matapos i-ere ang The Voice Kids kunsaan nanalo si Lyca Gairanod.

Para sa Season 2 ng The Voice PH, nagbabalik ang mga coaches na sina Apl De Ap, Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga. Sasamahan sila ng hosts na sina Luis Manzano at Toni Gonzaga, kasama sina Alex Gonzaga at Robi Domingo bilang mga V-reporters at social media hosts. Sa recent press conference ng The Voice of the Philippines Season 2, nakapanayam ng media sina Luis at Toni tungkol sa kanilang balik tambalan sa hosting matapos ang mahabang panahon.

TONI: “I’m excited to work again with Luis as my co-host dito sa Season 2 ng The Voice of the Philippines, kasi meron akong ka tandem. Iba yung may ka-tandem ka sa hosting, e. Lalo na yung level of comfortability ko with Luis, yung trust namin sa isa’t isa. Yung alam kong somebody’s got my back onstage. Hindi ka na kailangang mag effort, kasi yung chemistry na meron kami dun sa previous shows na hosts naming dalawa, and I think it’s a good idea na pinag-merge yung The Voice Kids, saka yung The Voice of the Philippines Season 1. Dito sa Season 2 pinagsama kaming dalawa ni Luis kasi kahit anong competition ang gawin sa aming dalawa ni Luis--wala! Kasi parang na out grow na namin yun dahil sa tagal naming magkakilala at magkasama dito sa ABS-CBN. We’re just really thankful.”

LUIS: “I consider Toni as a long-time friend, we hosted E-Live ng matagal-tagal together, also in Pinoy Big Brother, pero itong yung first talaga namin na kaming dalawa lang talaga onstage. Kasi sa E-Live kasama namin sina Bianca Gonzales at Mariel Rodriguez before, this time kami lang dalawa talaga.”

TONI: “And, I’ve always been so vocal, even before na gusto ko uling maka trabaho si Luis sa mga talk show. Gusto ko talaga makatrabaho si Luis kasi iba na talaga yung chemistry na nabuo na namin sa hosting.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong atake ang ginawa ninyo ngayon in hosting The Voice of the Philippines Season 2?

LUIS: “Nung nangyari yung blind auditions, I was pretty busy, so happened was Toni handled the blind auditions. Ako yung pumunta out of town para puntahan yung mga contestants. Technically, hindi pa kami nagkakasama ni Toni for Season 2 onstage except for the spiels, pero sa battles doon pa lang magkakasama ni Toni onstage.”

Ano ang na-observe ninyong growth sa bawat isa?

TONI: “Hindi kasi nagbabago si Luis, siguro, tumatalino lang sya over the years because of his experience, siguro nag-iba na yung confident level over the year. Like what I said kanina, hosting is a never ending experience. Everytime you host a different kind of show, it gives you a kind of confidence na alam mong yun yung next task na ibibigay sa akin ay mas maha-handle ko nang mabuti kasi magandang training yung napagdaanan ko nung last show.”

LUIS: “It’s a common notion kasi na akala ng iba ay madali ang hosting, kasi naisip nila kasi siguro na pag teleserye ingakan, may emotional stress. Hindi nila alam na mahirap-hirap din ang hosting, kasi may psychological drain, yung intellectual drain and even physical drain at yung grace under pressure. Sa maniwala ka or hindi napapagod din ang dila, I swear!"

Anong masasabi mo na makakasama mo ang Gonzaga sisters?

LUIS: “Noong sinabi naman sa akin na I will be working with Toni, sabi ko ‘Yes!’ Tinanong ko agad kung kailan kami pipirma nang kontrata, sabi ko lets tape na agad, pero nung sinabi nila na kasama din si Alex Gonzaga, sabi ko…can I back out,” biro ni Luis. “Joke! I like these two people, they are very fun ladies to be with. They are not just my co-hosts, they are my friends that’s make me everything worth it. Kumbaga, tanggalin n’yo yung The Voice, tanggalin n’yo lahat ng projects namin, sa likod ng camera, I can easily text Toni, I can easily text Alex, magkakasundo kaming tatlo. For me, it’s something pleasant!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What is the difference of The Voice PH Season 1 from Season 2?

TONI: “Mas pinabigat at mas pinaintense ang competition, mas pinahusay at mas magagaling ang selection ngayon ng mga contestants from all walks of life ang mapapanuod nila…from a street vendor, bus vendor, nagtitinda ng darak. May mga policeman at policewoman, may chemist, may anak ng senador…halos lahat nag audition dito, maging yung isang recording artist na gustong magkaroon ng second chance. Saka nakaka-inspire kasi may mga physically challenged na sumali like mga naka-wheelchair, makikita mo na hindi hadlang yung sitwasyon nila sa buhay or yung kalagayan nila para abutin yung mga pangarap nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN