Nadine Lustre admits she used to have fear of public speaking

by Jet Hitosis
Nov 2, 2019
Nadine Lustre: “I don’t like speaking in public. I don’t like it when there’s a lot of people na nakatingin sa akin 'tapos nagsasalita lang ako. Takot na takot ako sa ganun.”
PHOTO/S: Jet Hitosis

Inamin ni Nadine Lustre na “takot na takot” siya kapag kailangan niyang magsalita sa harap ng maraming tao.

Pero dati iyon.

Malaki na ang ipinagbago ni Nadine, na ngayon ay kabilang sa mga judges sa bagong international talent reality show ng ABS-CBN na Your Moment.

Kasama niya rito bilang kapwa miyembro ng panel of judges ang tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda.

“Nakakatakot siya para sa akin, kasi it’s public speaking, e,” sabi ni Nadine tungkol sa pagiging judge sa Your Moment.

Gaya nina Nadine at Boy, judge rin sa bagong Kapamilya show si Billy Crawford.

Nag-guest si Nadine sa Tonight With Boy Abunda nitong Huwebes, October 31.

Ang sabi pa ni Nadine kay Boy, “I don’t like speaking in public.

“I don’t like it when there’s a lot of people na nakatingin sa akin 'tapos nagsasalita lang ako.

“Takot na takot ako sa ganun.”

“But then, Your Moment kasi gave me a chance to face that fear.

Continue reading below ↓

“And you’re there pa, and Billy is also there.

“So kayong dalawa, tinutulungan nyo ako na maging honest lang, na maging open, and just say whatever I wanna say.”

TITO BOY WANTS NADINE TO SHINE

Sa media launch ng Your Moment nitong October 21, sa Quezon City, mismong si Boy ang nagsabi na “very protective” siya kay Nadine bilang judge.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ikinuwento rin ng TV host kung paano niya ginagabayan ang 26-anyos na aktres.

"I was still very protective of Nadine as a judge. ‘Sabihin mo ang gusto mong sabihin.’

“Hindi kami on mic pero sasabihin ko, ‘sabihin mo lahat ng nararamdaman mo, wag kang mag-alala.’

“Kasi when you judge… kumbaga sa public speaker, it’s a combination of instinct and rationality.

“Ako sinasabi ko sa kanya, ‘Take your time, say what you want to say.’

“I wanted Nadine to shine. Let me put it very straight. I really wanted her to shine.”

Continue reading below ↓

NADINE’S FIRST TIME AS TALENT SHOW JUDGE

Samantala, binanggit ni Nadine sa media launch na natuto siyang “maging honest” sa tulong ng Your Moment.

“Dito natuto po talaga akong maging honest,” sabi ni Nadine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa iba pang reporters.

“Since first time ko rin po kasing mag-judge, hindi pa ako sanay yung direkta kaagad, yung straight to the point kaagad.

“Minsan iniisip ko pa po kung paano ko bubuuin yung gusto kong sabihin.

“In-encourage ako ni Tito Boy na mag-take lang ng time.”

Sa November 9 na mapapanood ang Your Moment, na hosted nina Luis Manzano at Vhong Navarro.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre: “I don’t like speaking in public. I don’t like it when there’s a lot of people na nakatingin sa akin 'tapos nagsasalita lang ako. Takot na takot ako sa ganun.”
PHOTO/S: Jet Hitosis
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results