Thea Tolentino ups her kontrabida game

by Rommel Gonzales
Nov 3, 2019
Thea Tolentino always strives to breathe new life to her kontrabida characters: “Natutuwa naman ako na lagi akong binibigyan ng kontrabida roles and isa sa mga challenges talaga sa akin is kung paano ko pag-iiba-ibahin talaga yung atake."
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi naman daw napapagod si Thea Tolentino kahit siyam na beses na siyang nagkokontrabida sa telebisyon.

Sabi niya, “Kasi parang outlet din siya sa mga bagay na hindi mo puwedeng gawin sa totoong buhay.”

Tulad ng ano?

“Na ano, laging galit,” at tumawa si Thea.

Sa tunay na buhay daw ay bihira siyang magalit at hindi siya nang-aapi at nananakit ng ibang tao na tulad ng kadalasang ginagawa niya sa harap ng kamera.

“Nakukunsensiya ako lagi agad,” pag-amin niya.

Ang mga Kapuso shows kunsaan siya nagkontrabida ay ang Anna Karenina, Kambal Sirena, The Half Sisters, Once Again, Hahamakin Ang Lahat, Destined To Be Yours, Haplos, Asawa Ko Karibal Ko at sa umeere ngayon na Madrasta.

Sa Madrasta ay si Arra San Agustin ang inaaapi niya.

Ayon kay Thea, “Ang gusto ko sa show na ‘to, bago kami nag-start, nag-workshop kami under Bova, kaya gamay na namin ang isa’t isa.”

Noong July ay sumailalim ang Madrasta stars na sina Thea, Arra, Juancho Trivino at iba pang GMA Artist Center talents sa isang acting wokshop sa ilalim ng international acting coach na si Anthony Bova.

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal si Thea sa lobby ng GMA Network nitong October 16 bago tumungo sa taping ng Madrasta.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

TACKLING MATURE ROLES

Sa Madrasta ay pangalawang beses na niyang gumanap na may anak (una ay sa Asawa Ko Karibal Ko), at wala raw kaso kay Thea na binibigyan na siya ng mother roles sa mga TV projects niya.

“I don’t mind naman! Kasi dito ko rin nae-explore kung paano maging versatile. Hindi naman puwed forever tweetums.

“Puwede pa rin naman akong mag-tweetums, siyempre.

"Pero siguro binibigyan ako ng mother roles kasi sila Jillian Ward, may ka-loveteam na, di ba?” at tumawa si Thea.

Sa tunay na buhay ay dalaga si Thea at 23 anyos.

WORKING WITH HER IDOL

Hinuhulma ng GMA si Thea na maging primera kontrabida balang-araw, at sa Madrasta ay katrabaho ni Thea ang isa sa mga reyna ng mga kontrabida sa Pilipinas na si Gladys Reyes.

Continue reading below ↓

Ayon kay Thea, ibang-iba si Gladys sa harap ng kamera at kapag off-cam.

Kuwento niya, “Sobrang ang kulit! Lagi siyang may baong jokes, 'tapos sobrang hyper niya at sobrang professional.”

Idolo ni Thea si Gladys. Ano ang natututunan niya mula sa mahusay na aktres?

Lahad niya, “Yung kahit kontrabida, lahat ng ginagawa niya, nanggagaling talaga sa puso niya.”

CONSTANTLY HONING HER CRAFT

Si Thea ba ay natsa-challenge pa sa mga ginagampanan niyang kontrabida roles?

Saad niya, “Natutuwa naman ako na lagi akong binibigyan ng kontrabida roles and isa sa mga challenges talaga sa akin is kung paano ko pag-iiba-ibahin talaga yung atake."

“And recently... nakakahiya ako,” at tumawa si Thea.

“Pero recently ko lang napanood yung mga movies ni Meryl Streep.

“Yung Devil Wears Prada, first time kong mapanood and parang gusto kong maging ganung klase ng kontrabida.”

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thea Tolentino always strives to breathe new life to her kontrabida characters: “Natutuwa naman ako na lagi akong binibigyan ng kontrabida roles and isa sa mga challenges talaga sa akin is kung paano ko pag-iiba-ibahin talaga yung atake."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results