Ruru Madrid on playing a drug addict: "Gusto kong mapatunayan sa kanila na aktor ako."

by Rommel Gonzales
Nov 6, 2019
Ruru Madrid explains why he agreed to play a drug addict in GMA-7's drama anthology show Magpakailanman.

Ginampanan ni Ruru Madrid ang papel ng isang drug addict sa "Adik Sa 'Yo (The Radji Kem Galos Story)" episode ng Magpakailanman na ipinalabas sa GMA-7 noong October 12.

“Ginawa ko po iyon, kasi gusto ko pong patunayan sa mga tao na hindi lang po ako basta celebrity lang,” pahayag ni Ruru.

“Gusto kong patunayan sa kanila na aktor talaga ako at mahal ko ‘tong trabahong ‘to.”

Saan siya humugot ng acting niya?

“Noong nabasa ko ang script, sobrang gusto ko. Kasi, alam ko na matsa-challenge po ako, e, bilang aktor.

“And right now, nandun ako sa moment ng buhay ko na gusto kong ma-challenge bilang aktor. Gusto kong mapatunayan sa kanila na aktor ako.

“Ang ginawa ko, nag-research ako about it, one month po yun, tuluy-tuloy.

"Even yung accent ko na Bisaya, hindi naman po ako marunong mag-Bisaya, e, pero inaral ko po yun, lahat-lahat.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruru sa mediacon ng pelikulang Cara X Jagger nitong October 23 sa La Chandelle Events Place, Quezon City.

Continue reading below ↓

SAY NO TO DRUGS

Bilang isang millennial, alam ni Ruru na salot sa mga kabataan ang illegal na droga.

“Nung ginawa ko po yung MPK episode ko na yun, mas naliwanagan ako pagdating sa ganyan.

“Yung iba, sinasabi nila na tinry lang nila. Yung iba, sinasabi nila na gusto talaga nila. Pero pagka umabot na sila dun sa punto na hindi na nila alam yung ginagawa nila, like yung iba nakakapatay, yung iba nasisiraan na ng bait, biktima lang sila, e.

“Biktima sila ng pinagbabawal na gamot, na dapat sa una pa lang, hindi mo na ginawa yun.

“So, para sa akin, hindi ko rin sila masisisi. Pero siguro, magiging wakeup call sa mga kabataan ngayon, na wala pong maidudulot na maganda ang droga talaga sa buhay.”

Paano siya umiiwas sa bisyo ng pagdodroga?

“Siguro, ano nga po iyon, e, na dun po sa istorya na ginawa ko, kasi po, nabarkada siya, di ba? So, bago po kayo mabarkada piliin nyo kung sino yung babarkadahin niyo.”

Continue reading below ↓

Napipili ba iyon?

“Siyempre po, I mean, kung alam mo naman na magiging BI [bad influence] siya sa iyo, bakit mo siya kakaibiganin, di ba?

“Kung alam mong makakasira siya sa buhay mo, bakit mo siya kakaibiganin?

“Ako po, honestly, mas marami akong kaibigan na halos kasing-edad na ng tatay ko. Kasi, mas nakukuha po nila ako. Like for example, sila very business-minded sila, seryoso sila sa mga trabahong ginagawa nila at iyon yung gusto ko.

“That’s why ganito akong magsalita, ganito akong kumilos. Kasi, kaming dalawa ng tatay ko, para lang kaming magkaibigan.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid explains why he agreed to play a drug addict in GMA-7's drama anthology show Magpakailanman.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results