Sa unang pagkakataon, magkakapareha sa isang proyekto ang magkasintahang sina Mark Herras at Nicole Donesa.
Sa episode ito ng Magpakailanman sa Sabado, November 9, na "Langit Ka, Lupa Ako."
Gagampanan nila ang papel ng magkasintahan na "sobrang bawal" dahil isang Chinese woman na naipagkasundo na sa isang "arranged marriage" si Nicole, habang isang mahirap na lalaking Filipino naman si Mark.
July nang magsimula ang usap-usapan na magkasintahan na sina Mark at ang 2014 Miss World Third Princess na si Nicole, limang buwan matapos magkahiwalay sina Mark at actress-beauty queen na si Winwyn Marquez.
Nung August in-announce ni Mark na, "In a Relationship" na siya sa kanyang Facebook account.
Habang si Nicole naman ay sa kanyang Instagram ipinaalam na "nabihag" siya ni Mark.