Kisses Delavin leaves Star Magic; will she transfer to GMA-7?

by Rose Garcia
Nov 8, 2019
After two years with Star Magic, Kisses Delavin inks contract with APT Films and Triple A Management. Present during her contract signing are director Mike Tuviera and Triple A head Rams David.
PHOTO/S: Rose Garcia

Umalis na sa ABS-CBN at Star Magic ang 2016 Pinoy Big Brother Second Placer na si Kisses Delavin.

Pumirma siya ng kontrata sa Triple A management at APT Films nitong Nobyembre 8, Biyernes nang hapon, sa Sequoia Hotel, Quezon City.

“Gusto ko lang pong mag-explore but at the end of the day, I’m always thankful for everything that I’ve achieved through the help of PBB where I started so I’m so thankful to them,” tugon ni Kisses nang usisain kung bakit nag-iba siya ng manager.

“I just want to search more opportunities.”

Pormal na nagpaalam si Kisses sa Star Magic.

“Nag-wait po ako na matapos first ang contract bago mag-sign ng another one,” lahad ng young star.

“And then, personal po akong pumunta sa office ng Star Magic and everyone from the higher boss to office staff na nakasama ko, pinasalamatan ko po sila and gusto ko pong sabihin sa kanila na no matter what, I’m always thankful to them.”

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kisses agad-agad pagkapirma niya sa Triple A at APT.

MARIAN RIVERA INSTRUMENTAL TO KISSES'S TRANSFER

Instrumental si Marian Rivera sa pagpirma ni Kisses ng management contract sa Triple A na pinamumunuan ni Rams David.

“Na-meet ko po si Tito Rams through Ate Marian,” kuwento ni Kisses.

“Nagkita po kami sa Guillermo Awards at nagkita rin po kami sa fashion show and yun, I just felt that she genuinely cares for me, and naisipan ko po na maganda po yung APT.”

Mina-manage ng Triple A ang career nina Marian, Maine Mendoza, Jerald Napoles, among others.

Vocal si Kisses noon pa sa pagsasabing iniidolo niya si Marian.

“She’s gorgeous,” nakangiting pakli ni Kisses.

KISSES TO BECOME A KAPUSO?

Malamang na maging Kapuso si Kisses. Sino sa Kapuso actors ang gusto niyang makapareha?

“Hindi ko pa po na-meet lahat ng artists sa GMA. So, I’ll just look forward to that po, abangan niyo na lang po,” aniya.

Continue reading below ↓

Natawa ang ilang entertainment press sa sagot ni Kisses nang tanungin namin kung ano ang plano sa kanya ng bagong management.

“Ang plano po ng APT ay aalagaan po nila ako.”

Ayon kay Direk Mike Tuviera ng APT, tatlong pelikula na ang nakalatag para kay Kisses next year: isang romcom, isang family ensemble drama, at isang heavy drama.

Pahayag pa ni Direk Mike, “Ang medyo iba sa amin, maglalatag kami kay Kisses ng mga plano and we always respect kung ano man ang opinyon ng artist.

“Kasi, ito sana ang gusto naming gawin, ito ang plano namin, what do you think?

“Naglatag kami ng ganun pero yung ibang aspeto, sinisikreto muna namin sa kanya kung sino ang magiging partner niya, ‘wag muna.

“We’ll take it one day at a time.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After two years with Star Magic, Kisses Delavin inks contract with APT Films and Triple A Management. Present during her contract signing are director Mike Tuviera and Triple A head Rams David.
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results