Boy Abunda compares his judging style for Your Moment vs defunct Star Circle Quest

Nov 9, 2019
As one of the judges of ABS-CBN's new talent-reality show Your Moment, TV host-talent manager Boy Abunda says he is responsible for checking if the participating local and foreign singing and dancing acts have the "qualities of a star."
PHOTO/S: Jet Hitosis

Aminado ang TV host-talent manager na si Boy Abunda na “nahirapan” siya bilang judge sa bagong talent-reality show ng ABS-CBN na Your Moment.

World premiere na ngayong Sabado, November 9, ng Your Moment, kung saan magpapakitang-gilas sa pagkanta at pagsasayaw ang grupo ng mga contestants mula sa iba’t ibang bansa.

“Nahirapan, yes. Dahil itinaas namin yung antas,” sabi ni Boy, pagtukoy sa dalawa pang miyembro ng panel of judges na sina Nadine Lustre at Billy Crawford.

“And we also know that Your Moment is global, international. So, mataas yung standards, e.”

Dagdag ni Boy, “I must admit that this is not an easy contest.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters si Boy sa media conference ng Your Moment sa Dolphy Theater ng ABS-CBN nitong October 21.

Nasa press con din sina Nadine at Boy, gayundin ang isa sa hosts ng show na si Luis Manzano. Co-host ni Luis si Vhong Navarro.

Continue reading below ↓

JUDGES WILL USE EMOTION METERS

Sa unang pagkakataon sa isang talent-reality TV show sa bansa, gagamit ang Your Moment judges ng emotion meter knob sa pagbibigay ng score (1-10) sa tatlong time markers: sa unang 20 seconds ng performance, sa 60 seconds, at sa 90 seconds.

Pipili ng tig-isang grand champion sa magpapagalingang dance groups at singing groups.

Bilang dating judge ng Star Circle Quest, natanong si Boy kung gaano kalaki ang kaibahan ng pagdya-judge niya sa defunct na talent-reality show kumpara sa Your Moment.

“Nabago ang audience, nabago na rin ang tao. Social media now is very strong. Ito mas malakas ang tensiyon, dahil ang competitors ng Your Moment sobrang lakas ng competition,” sabi ni Boy.

Naging host si Boy sa Star Circle Quest, na umere sa ABS-CBN simula 2004 hanggang 2011.

Kabilang sa Star Circle Quest winners at runners up sina Hero Angeles, Nash Aguas, Erich Gonzales, Sandara Park, Roxanne Guinoo, Joross Gamboa, Sharlene San Pedro, Arron Villaflor, at Mika dela Cruz.

Continue reading below ↓

BOY IS NO “CRUEL” JUDGE

Patuloy ni Boy, “Pero ang judging ko ba rito katulad nung mga kapanahunan ni Sandara, ni Joross, lahat nung nagdaan sa Star Circle Quest? Hindi.

“Medyo may nabago, pero kung anuman ang natira doon sa istilong yun, hindi ko bibitawan yung opinyon ko at yung hinahanap ko.

“Fortunately, I don’t think I am as cruel… deliberately cruel kasi dati. Ang pananaw natin nun ang starring yung contestant, which was also part of the show. May contestant, ang judges ang kontrabida.

“Ito, global ang audience. I think kahit yung articulation, yung komentaryo mo, dapat klaro ang pinanggagalingan.

“Hindi ko sinasabing hindi klaro noon. Pero noon mas madali, ngayon hindi, e. Mahirap dahil matindi ang kumpetisyon," paliwanag ng 61-year-old talk show host.

WILL LOOK FOR “QUALITIES OF A STAR”

Ayon kay Boy, magkakaiba ang “optics” nila nina Nadine at Billy, at may kani-kaniya silang focus bilang judges.

Sinabi ni Boy na bilang singer, kay Billy sila humihingi ng guidance ni Nadine sa pagdya-judge sa mga singing groups.

Continue reading below ↓

Si Nadine naman, ani Boy, ang hinihingan nila ng opinyon pagdating sa pagsasayaw, dahil dating miyembro ng female dance group ang aktres.

Ano naman ang kalakasan ni Boy bilang Your Moment judge?

“I have managed talents for the last 30 years. I know where I’m coming from. Ang hinahanap ko ay yung mga qualities of a star. Meron naman siguro akong track record sa mga artista at mga singers na nai-build up na… I know kung ano ang aking pinanggagalingan,” aniya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
As one of the judges of ABS-CBN's new talent-reality show Your Moment, TV host-talent manager Boy Abunda says he is responsible for checking if the participating local and foreign singing and dancing acts have the "qualities of a star."
PHOTO/S: Jet Hitosis
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results