Ethel Booba wins Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions on It's Showtime

Nov 10, 2019
Singer-comedienne Ethel Booba wins It's Showtime's Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions on Saturday, November 9.
PHOTO/S: Tawag ng Tanghalan on Facebook

Ang singer-comedienne na si Ethel Booba ang itinanghal na “Tawag Ng Tanghalan” Celebrity Grand Champion ng It’s Showtime nitong Sabado, November 9.

Tinalo ni Ethel ang dalawang kapwa TNT contenders sa top 3 na sina Jason Fernandez at Roxanne Barcelo.

Inawit ni Ethel—Ethyl Gabison ang tunay na pangalan—ang “What Kind of Fool Am I?” ni Sammy Davis at ang “Never Ever Say Goodbye” ni Nonoy Zuñiga.

Nakakuha si Ethel ng 39.82 percent, habang pumangalawa si Jason na may 36.79 percent, at si Roxanne ay may 23.39 percent.

Kabilang sa napanalunan ni Ethel ang P300,000 cash, trophy, customized in-ear monitors, at recording contract.

ETHEL THANKFUL FOR VOTES

Sa video na ipinost ni Ethel sa Twitter Sabado ng hapon, nagpasalamat siya sa mga bumoto sa kanya.

“Hello, kabayans! Madlang pipol thank you so much,” sabi ni Ethel, habang bitbit ang kanyang trophy, na idinisenyo ng Pinoy multi-media visual artist na si Toym Imao.

Continue reading below ↓

“Eto na, hawak ko na,” aniya, habang pinagmamasdan ang bitbit na trophy.

“Thank you, thank you. I love you, guys.

“Salamat sa mga votes ninyo. Thank you talaga, I love you.”

Dagsa ang pagbati kay Ethel ng kanyang Twitter followers, na nagsabing deserving siyang manalo.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Continue reading below ↓

FANS ARE HOPEFUL OF ETHEL CLAIMING THE CASH PRIZE SOON

Ilan namang nagkomento ang pabirong humiling na sana ay makuha kaagad ni Ethel ang napanalunan niyang cash.

Continue reading below ↓

Matatandaang nitong September 22 ay idinaan ni Ethel sa tweet ang paghihimutok sa hindi pa rin nababayarang talent fees niya sa guestings niya sa Minute To Win It at Gandang Gabi Vice kahit maraming buwan na ang nakalipas.

Nitong Oktubre, bago sumalang sa TNT Celebrity Champions, kinumpirma ni Ethel na nasingil na niya ang mga pending niyang talent fees sa mga nabanggit na Kapamilya shows.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-comedienne Ethel Booba wins It's Showtime's Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions on Saturday, November 9.
PHOTO/S: Tawag ng Tanghalan on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results