Alden Richards admits The Gift struggling to beat ABS-CBN's Starla in ratings game

by Nikko Tuazon
Nov 12, 2019
GMA-7 actor Alden Richards on rival program from ABS-CBN: "Medyo malakas talaga yung kabila." PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) caught up with Alden at the press launch of McDo Stripes Run 2019 last November 7 at the McDonald's NXT GEN branch in Taguig City.
PHOTO/S: Nikko Tuazon

Aminado ang GMA-7 actor na si Alden Richards na nahihirapan ang prime-time series niya na The Gift na makipaglaban sa ratings ng katapat na programa sa ABS-CBN.

Kasalukuyang katapat ng The Gift sa prime-time block ang Starla na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.

Base sa NUTAM People Ratings mula October 21 to 25, hindi pumapalo sa double digits ang ratings ng The Gift kumpara sa ratings ng Starla.

Pahayag ni Alden tungkol dito, "We have to admit that we really struggle, pero as long as we're being able to deliver a good message naman through the story, yun naman talaga yung objective ng The Gift since we started, e."

Dagdag pa nito, "Medyo malakas talaga yung kabila."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa press launch ng McDo Stripes Run 2019 nitong nakaraang Huwebes, November 7, sa McDonald's NXT GEN branch sa Taguig City.

Hindi man maungusan ng The Gift ang kalabang programa sa ratings, makakaasa ang kanilang manonood na gagawin nila ang kanilang makakaya upang mas mapaganda pa ang teleserye.

Continue reading below ↓

Sabi ni Alden, "We're really doing our best. Wala kaming humpay sa pagpapaganda ng istorya.

"Every taping, we see to it that lahat ng characters and people involved in the creative side have something to say about it.

"Even us actors, we change the script on the spot, if we feel our characters are not on the same page as the one on the script.

"Ganun yung ginagawa namin but masaya naman kami. We're very happy with the result of The Gift and the effect on it sa mga tao and everyone who's watching it."

Masaya naman si Alden dahil nare-recognize siya bilang Sep, ang karakter na ginagampanan nito sa The Gift.

Sa katunayan, ang mga bata mula sa Bahay Bulilit na nakasama ni Alden sa story-telling session ay tinawag siya sa kanyang karakter.

"Oo nga e, nanonood siya ng The Gift. Yun din, e, parang we also cater to such audience, na mga bata."

Continue reading below ↓

"That's what the show is also keen on doing, parang to encourage young kids to be good people...

"So ayun, happy ako na tinawag akong Sep nung isang bata kanina! May prize yun! French fries."

MORE TWISTS

Marami pang twists ang dapat pakaabangan sa Kapuso teleserye. Sa November 8 episode ng The Gift, si Faith, ang karakter na ginampanan ng beauty queen na si Thia Thomalla, ay namaalam na sa teleserye.

Si Faith ang isa sa love interests ni Sep, ang karakter na ginagampanan ni Alden.

Ayon kay Alden, nagulat ang lahat nang malaman nila ang eksenang ito.

Aniya, "Kahit kami, nagulat kami na na-shoot namin kahapon [November 6] yung scene na yun medyo heartbreaking siya so abangan nila yun.

“Yun yung isa sa major twist na mangyayari nitong mga susunod na araw."

Patuloy naman daw ang karakter ni Alden sa paghahanap sa kanyang tunay na mga magulang, ngunit kailangan muna nitong lampasan ang panibagong pagsubok na dadating dito.

Continue reading below ↓

"Andun papunta yung character [ko], the search for the real parents but unfortunately, this event happened unexpectedly.

"And yung cause of death was by someone who is also essential to the story, so medyo mabigat, medyo pang-gulat po yung episode namin...”

RUN FOR A CAUSE

Samantala, inanyayahan naman ni Alden ang lahat na sumali sa McDo Stripes Fun Run na gaganapin sa December 1 sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Ang proceeds mula sa fun run ay mapupunta sa Ronald McDonald House Charities (RMCH) at sa mga beneficiaries nito kabilang ang Bahay Bulilit sa Quirino, Manila.

Makikitakbo rin daw si Alden kasama ang iba pang mga celebrity endorsers ng sikat na fast food chain sa fun run na ito.

“Samahan niyo po kami for the McDonald's Stripes Run kasi part of the proceeds will go to RHMC and also doon sa mga bata na nakita natin kanina, sila yung magiging beneficiaries...

Continue reading below ↓

“So the McDonald's Stripes Run is eyeing to raise at least PHP2 million for these kids para sa kanila yun. So I'm encouraging everyone.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7 actor Alden Richards on rival program from ABS-CBN: "Medyo malakas talaga yung kabila." PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) caught up with Alden at the press launch of McDo Stripes Run 2019 last November 7 at the McDonald's NXT GEN branch in Taguig City.
PHOTO/S: Nikko Tuazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results